CHAPTER 30

550 21 3
                                    

NAPASUNOD ang tingin ko sa mama ni Rufo at sa babaeng dumating nang lumabas na ang mga ito sa main door. Naiwan naman kami ni Rufo sa may ibaba ng hagdan kasama ang anak niya.

I slowly let out a deep breath and looked back at Rufo and then at Ciri. She’s still looking at me seriously. Mayamaya ay inirapan ako nito at tumalikod. She was about to leave, but Rufo called her.

“Ciri!”

Huminto naman ito at lumingon.

“Can we talk?”

Hindi naman ito sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga lamang ito at nagtuloy na sa paglalakad.

“Is it okay if I leave you here for a moment?” tanong ni Rufo sa akin nang tumingin siya ulit sa akin. “I will just talk to Ciri. I won’t be long and I’ll get back to you. Just stay here, okay? Maupo ka na muna sa sofa.”

Tumango naman ako sa kaniya at iginiya niya ako palapit sa sofa. Pagkatapos ay nagmamadali na siyang lumabas para sundan si Ciri. Naiwan ako sa loob ng bahay. Ako lang ata mag-isa ang tao rito at lahat ng tao ay nasa labas at nagkakasiyahan.

Muli akong bumuntong-hininga nang malalim upang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko maging ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.

Sabi ko na nga ba, e! Hindi ako magugustohan ng mama ni Rufo. Well, expected naman na kasi ’yon, e. Karamihan talaga sa mga mayayamang pamilya, hindi gusto ng mga magulang ang karelasyon ng mga anak nila. At marahil ay kitang-kita agad sa hitsura ko ng mama ni Rufo na galing lamang ako sa hindi mayamang pamilya kaya pinakitaan agad ako nito ng pagkadisgusto. Kahit pa sabihing binilhan ako ni Rufo ng mamahaling damit at nakasuot ako ng mamahaling alahas, hindi pa rin niyon maikukubli na mahirap lang ako.

I can’t count how many minutes I’ve been sitting on the sofa waiting for Rufo to come back. Ang sabi niya ay hindi lang siya magtatagal at babalikan niya agad ako. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Nang makaramdam ako ulit ng pagkainip ay tumayo na ako sa puwesto ko at naglakad palabas ng main door. Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid upang hagilapin si Rufo. And I saw him in the middle of the crowd. His mother was with him... And the Rhea who had arrived earlier was also with them. Nakikipag-usap sila sa mga bisita.

I sighed again at the same time, the pain that my heart felt when I saw the wide smile on the face of the woman next to him and hugging his arm.

Who is Rhea in Rufo’s life? Is she his girlfriend?

Humakbang ako upang tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o pupuwesto, kasi wala naman akong kakilala ritong bisita. Si Rufo lang talaga ang kakilala ko. Hindi rin naman ako puwedeng lumapit sa kaniya dahil paniguradong mapapahiya lang ako sa mama niya, maging sa mga bisitang naroon.

Malungkot na napangiti ako at laglag ang mga balikat na saglit ko pang pinagmasdan si Rufo. Mayamaya ay lumingon siya sa direksyon ko. When he saw me, he was about to walk to approach me, but his mom also looked in my direction. She quickly grabbed Rufo’s arm at seryoso ang mukha na kinausap ang anak. Pagkatapos ay kinausap din nito ’yong Rhea. At mas lalo akong nakadama ng kirot sa puso ko nang sa halip na lumapit siya sa akin, hinawakan niya sa kamay ’yong babae at naglakad sila palapit sa isang mesa at doon magkatabing umupo.

Hindi ko napigilan na kagatin ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman ko ang biglang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Ang kirot na nararamdaman ng puso ko kanina ay mas lalo pang dumoble.

Muling tumingin sa direksyon ko si Rufo. Pero mabilis na akong tumalikod at naglakad palabas ng gate.

Oh, Solana! Bakit ka pa kasi sumama rito? Mangiyak-ngiyak na panenermon ko sa sarili ko, hanggang sa tuluyan akong makalabas ng gate at naglakad sa gilid ng kalsada. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon