CHAPTER 15

782 33 1
                                    

KAGAYA kahapon, nang makarating kami sa parking lot, nauna ako sa kaniya na bumaba sa kaniyang kotse at nagmamadaling lumabas sa parking, hanggang sa makarating ako sa hallway. Hindi naman na niya ako pinansin nang maabutan niya ako roon at nagtuloy-tuloy na siya nang lakad. I was just behind him and watching his every step. My God! Pati ang paglalakad niya ay napaka-sexy ng dating. He really is like a Greek God who came down to earth to walk around the whole campus. At ang mga estudyanteng nasa gilid ng hallway ay nakangiting sinusundan din siya ng tingin. Hari nga talaga siya, dahil lahat ng tao sa paligid ay tumahimik bigla at napahinto nang dumaan na siya.

Lihim na lamang akong napangiti. Ang swerte ko pala talaga dahil ilang beses ko ng nakasama ang lalaking ito, ilang beses na niya akong nahalikan. At higit sa lahat... oh no, no.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo upang alisin sa utak ko ang nangyari sa amin no’ng isang araw sa pad niya. Kagat ang pang-ilalim na labi’y napangiti akong muli. Hanggang sa makarating na kami sa classroom ay nakasunod lang ako sa kaniya.

“Bes, late ka!” saad sa akin ni Millie nang makaupo na ako sa puwesto ko.

“One minute lang naman,” sabi ko.

“Mabuti at kararating lang din ni sir.”

“Ganoon ba?” nakangiting tanong ko rito at pasimple akong tumingin sa unahan. Nakita ko naman siyang seryoso na ang mukha niya.

“Oo,” sabi ni Millie. “My God, bes! Kahit seryoso na naman ang mukha ni Mr. Montague, kumpleto na naman ang araw ko dahil nasilayan ko na naman ang guwapo niyang mukha.” Bulong na saad nito sa akin.

Kunot ang noo na tiningnan ko muna ito saka inirapan. Bumuntong-hininga pa ako. “Umagang-umaga ganiyan na naman ang mga iniisip mo, Millie.” Kunwari ay saad ko saka ako umayos sa puwesto ko.

“Inggit ka lang ata kasi hindi mo type si sir,” bulong na wika nito sa likod ng ulo ko. “Ewan ko ba kung malinaw pa ba o malabo na ang mga mata mo kaya hindi mo makitang sobrang guwapo ni Mr. Montague.”

Muli akong napangiti ng lihim dahil sa sinabi nito.

Oh, Millie! Kung alam mo lang.

Nang magsimula na si Rufo na mag-discuss sa topic namin na naputol kahapon, itinuon ko na sa kaniya ang buong atensyon ko. Pero hindi kagaya kahapon na nakatitig lang ako sa kaniya at hindi iniintindi ang mga sinasabi niya. Ngayon ay one hundred percent sure akong naiintindihan ko na ang mga sinasabi niya. Feeling ko nga, lahat ng mga salitang binabanggit niya ay awtomatik na tumatatak sa isipan ko. At isa pa, I also did advanced study last night when I got home. Ayoko ng mapahiya sa kaniya kung sakaling tawagin niya na naman ang apelyido ko at ipa-ulit ang mga sinabi niya.

At hindi nga ako nagkamali, dahil sa halos buong discussion niya, ako ang laging tinatawag niya para pasagutin. But I’m ready. Ano ang akala niya sa akin?

Nang matapos na ang isa’t kalahating oras namin sa subject niya, kaagad siyang lumabas sa classroom namin dahil may meeting pa raw siya kasama ng ibang faculty.

“Wow! Mukhang nag-advance study ka bes, a!” saad sa akin ni Millie nang palabas na kami sa room.

Ngumiti naman ako. “Of course. Ayoko ng mapahiya kay Mr. Montague kagaya kahapon,” sabi ko.

“O baka naman nagpapa-impress ka lang kay Mr. Montague, Solana?”

Sabay kaming napalingon ni Millie kay Arisa na nasa likuran na pala namin at nakasunod. Nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatitig sa akin ng seryoso.

“What?” kunot ang noo na tanong ko.

“You heard what I said, Solana.” Ani nito. “At halatang-hala sa hitsura mo kanina na nakikipag-flirt ka kay Mr. Montague. The way you talked to him. The way you smiled at him—”

PAID BY MY PROFESSOR (R18+) Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon