I
Unang kabanata
Mula noong pagkabata
Walang naranasang ganito
Ang iyong pagmamahal na totooII
Marahil ay iyong napapagtanto
Na sayo ay nahuhumaling ako
Hindi ko rin malaman ang dahilan
Sa pagpatak ng ulan bigla nalang naramdamanIII
Tibok ng puso ay tiyak na kakaiba
Magmula nung masilayan ang mata
Iniisip kong hindi babagay sa tulad mo
Ang isang lalaking hindi matipuno at supladoIV
Ngunit akoy umaasa parin
Na ang isang tulad ko ay iyong tanggapin
Walang ibang nais ang kamay
Kundi ang kumapit ka at huwag bumitawV
Sanay samahan ako sa paglalakbay
At ang nararamdaman ay sabay
Nating banggitin galing sa puso
At hindi lamang nilalabas sa nguso
BINABASA MO ANG
Ika Labing Siyam Na Tula
PoetryLahat ng ating nararamdaman ay may paraan tayo kung paano natin ito maiipakita. Para sa akin tula ang aking paraan upang maiparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.