Pangalawang Tula

4 0 0
                                    



I

Ang pagibig mo ay parang ginto
Mahirap hanapin ang ganito
sapagkat ito ay kakaiba
At ito ang ninanais nila

II

Maraming beses hinanap
Ngunit walang nahagilap
Dahil ito ay sagrado
Dahil ang pusoy nakasarado

III

Dahil sa takot na maiwan muli
Sa isang sulok na puro nalang hikbi
Ang tiwalang nasayang
Dahil sa isang lalaking mangmang

IV

Ang pusong perpekto
Na nababalutan ng pagibig na totoo
Nasayang lang ng biglaan
Dahil lang sa walang pagaalinalangan

V

Hinahanap ang gusto
Ngunit hindi matukoy ang pinupunto
Ang pinipindig ng puso
Kaya ang babae'y nadala lang sa tukso

VI

Kaya ang kanyang hinahanap
Na mahihigpit na yakap
Ay isa sa kanyang nakaraan
Na gusto nyang balikan

VII

Ang prinsesang kataas taasan
Oh binibini nasaan
Nasaktan dahil sa isang kawal
Minahal nasaktan sumugal

VIII

Ito ay isang kasalanan
Ang prinsesa sana'y tulungan
Naubos ang kanyang tiwala
Ang ngiti at tawa'y nawala

IX

Kailan maibabalik
Ang kanyang matatamis na halik
Na ang lahat ay nababaliw
Sa kanyang gandang kaakit akit

X

Ako sana ang makakita ng ginto
Akoy hindi hihinto
Hahanapin ang tinatago
Ang isinisigaw ng puso

XI

Oh prinsesa nasan ka
Sana'y magpakita
Akoy nandito naghihintay
Lalakad tatakbo kahit ang paay mangalay

Ika Labing Siyam Na Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon