Pangatlong Tula

3 0 0
                                    





I

Ngayong araw
Magisang matatanaw
Ang mga tumubong pagmamahal
Dahil hanggang ngayon ako sakal

II

Sa higpit ng pagibig mo
Sa sikip ng pagkabitaw ko sayo
Hindi ko kayang hindi ka makita
Parang sa gabi na kay ganda ng mga tala

III

Tanghaling tapat
Na kahit ang dalawang bulki ng yelo'y di sapat
Gaya ng dati kay init ng pagsinta
Pasensya na pakiusap tumahan ka

IV

Hapong kay lamig
Sa ihip ng hangin rinig ang iyong tinig
Bumubulong ka sa aking tenga
At ang bigkas mo'y lumaban tayo ng magkasama

V

Kaya patawad
Kung ngayong araw di na ako ang bubungad
Sa nakakatamad na pagbangon
Di na rin ako ang dahil ng iyong ngiti ngayon

VI

Ilang araw pa ba ang bibilangin ko
Upang mahintay ang pagbalik mo
Ang pagibig na di na tuloy sa paglaki
Dahil sa lakas ng ulan kasabay ng pagluha na di gaya ng dati

VII

Nakakasilaw ang mga ilaw sa daan
Nangangarap na sanay ikaw ay nandyan
Sanay bumalik ang dating gustong gusto mo
At kapag nangyari yun sayo padin ang aking pagsamo

VIII

Mahal nilalamig ako
Kailangan ko ang mahihigpit na yakap mo
Ang nakakakalma mong mukha
Ang tiwala mo ay gusto ko muling makuha

IX

Ang matatamis mong halik
Dyan akoy sabik na sabik
gusto ko muling matikman
Kahit tumaas ang sugar level ng aking katawan

X

Kahit magkasakit man
Hindi na ako tatalaban
Dahil nandyan ang gamot ko
Nandyan ka sinta ko

XI

Noon
Pero hindi na ngayon
Matatapos ang tula kong ito
Na may tatapak na luha sa mukha ko

XII

Dahil wala kana
Wala na ang pampagana
Wala na ang lakas ng loob
Wala na din ang tapang sa pagsugod

XIII

Sa mga problema ng buhay
Wala na din ang aking karamay
Suko na ang sa buhay
Tuyo na din ang halaman

Na parang ating pagmamahalan

Ika Labing Siyam Na Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon