Ika Walong Tula

2 0 0
                                    





I

Hindi ko alam kung saan magsisimula
Hindi ko alam kung sino ang dahilan ng pagkawala
Ng aking lakas dahil sa pagod at galit
Sa aking nararanasan sa pagasa'y hindi na makakapit

II

Nahihirapan ngunit nais makaahon
Sa pagkadapa nais makabangon
Hindi ito ang buhay na nais ko
Hindi alam ang tamang sagot laban ba o pagsuko

III

Hindi naman maiiwasan ang ganitong sitwasyon
Makamit ang kasaganahan iyan ang aking layon
Ang buhay ko ay puro tanong
Ang dapat na puntahan hindi alam kung saan naroroon

IV

Sila dapat ang aking magiging lakas
Sila ang maggagabay sa aking landas
Ngunit tila sila pa ang dahilan ng aking pagatras
Ito ang nais ko ngunit hindi sila ang tumutulong sa hadlang na binabagtas

V

Alam niyo kung papaano ako nabubuhay ng masaya
Kasama ko ang aking lola kahit saan ako magpunta
Siya ang unang humilip sa bukas
Dahil sa takot ng aking sarili na nais na umiwas

VI

Sa mga problema at sigalot
Kapag akoy nadadamay kamay nya ang nagiging gamot
Oo alam ko napakaswerte kong apo
Dahil meron akong lola na mapagmahal ng todo

VII

Siya ang pamilya ko siya lang ang meron ako
Mga pangako nya'y hindi napapako
Kahit minsan siya ay hindi ko narerespeto
Dama ko parin ang kanyang pagmamahal na totoo

VIII

Kaya naman nagawa ko ang mangarap
Na maipakita sa kanya ang aking nais na hinaharap
Siya ang aking inspirasyon sa lahat ng bagay
Sa bawat pasok sa eskwela kahit sa pangarap kong bahay

IX

Madali ang mangarap at makamit ito
Kung sa puso mo ay may isang tao
Na nagagawang palakasin ang loob mo
Na abutin ang pangarap at hindi susuko

Ika Labing Siyam Na Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon