Ika Pitong Tula

1 0 0
                                    





I

Ipilit mang lumaban
Tadhana na ang humahadlang
Sa ating gusto ay taliwas
Sa pagibig na akala ay wagas

II

Bakit umabot sa ganitong sitwasyon
Bakit ang panahoy hindi satin sumangyon
Hindi ba pwedeng maging masaya
Hindi ba pwedeng kami nalang dalawa

III

Ang daming tanong kay kupido
Ngunit kahit pana nyay hindi sigurado
Hanggang kailan luluha ang mga mata
Hanggang kailan magpapaggap na tayo paring dalawa

IV

Hindi matanggap ang naging wakas
Ng pagibig nating walang binibigkas
Kundi ang pagmamahalan ng isat isa
Kasi ngayon hindi na tayo masaya

V

Hinihintay ka pa rin sa ating tagpuan
Inaalala ang mga suyuan
Pangalay nakaukit sa puno ng mangga
Sa tindi na luhay hindi makahinga

VI

Hindi ka na ba babalik?
Hindi na ba madadama ulit yung halik?
Kahit sa higpit ng aking kapit
Nagawa mo pa rin akong ipagpalit

VII

Pero hindi ako titigil mangarap
Na mahawakan ang iyong kamay habang natingin sa mga ulap
Na maisayaw ka ulit sa gitna ng ulan
Dahil yan ang ating nakasanayan

Ika Labing Siyam Na Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon