Ika Anim Na Tula

1 0 0
                                    





I

Pasensya na kung ikay nagtatampo
Binibini ko nais ko na malaman mo
Yakap mo lamang ang gustong madama
Kaya naman sa aking paglalakbay ay sumama ka

II

Ikay dadalhin sa paraiso ko
Ikaw ay dadalhin sa lugar na ipinangako ko sayo
Kung saan ligaya lang ang iyong madadama
Dahil ikaw ay mahal na mahal na

III

Sa tuwing babagal ang ikot ng mundo
Nananalangin na sana ay nandito ka sa tabi ko
Upang makasama ka na aking sinta
At ang oras na ito ay maipinta

IV

Upang maalala sa ating pagtanda
Ala ala ng ating pagsasama na kay saya
Salamat sinta ikay aking nakilala
Dahil sa mundo kong magulo pagibig mo lang pala
Ang magbibigay kulay rito
Kaya mahal na mahal kita binibini ko

V

Ikaw nag bigay ng saya
ikaw ang naglagay ng ngiti sa mga mata
ikaw ang yumakap noong nalulungkot
noong akong nilalamig ikaw ang nagsilbing kumot

VI

Mahal walang araw na hindi kita iniisip
kada oras nagaalala ang iyong tinig
hindi man tayo magkausap minsan
para sayo akong laging nandyan

VII

sa pagmamahal na binibigay mo
sumaya ako ng husto
ang ligaya na pinapadama mo oras oras
ay nararamdaman ko kahit lumipas

VIII

ang araw ko ay kay ganda
salamat sa pagdating sinta
ang luha ay nawala
salamat sa pagpawi

IX

kung iniisip mo na iiwan kita
hindi na muli ito gagawin sinta
dahil ang manatili sayo
ay ang desisyon na pinakamagandang ginawa ko

Ika Labing Siyam Na Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon