I
Natatakot sa maaring kinabukasan
Kaya nagmamahal ngayon
Di makalimot sa pagkalunod sa kahapon
Kaya nanatiling ang bibig ay nakatikomII
Nagkamali sa predisyon ng hinaharap
Kaya ang obligasyon ay nais takasan
Di lubos na maisip ang kinahinatnan
Iniisip bakit kailangan itong naranasanIII
Ang pagiyak ay tila naging solusyon
Sa kalungkutan ikaw ay nagpakulong
Hindi nais danasin ang ganitong problema
Sa pagibig di mo malalaman kung totoo talagaIV
Pero hindi naman lahat dapat ipaglaban
Minsan kailangan mo ding sumuko
Upang malaman mo kung sino
Ang lalaban para sayoV
Hindi mo kailangan dumungaw
Sa umaga na hindi malaman na liwanag
Pero kung ikaw ay mahal talaga
Siya na mismo ang haharap sa bagong umagaVI
Ngunit maari ka ring pumili
Kung kaninong kamay ang hahawakan
Sa taong sa diretso ang patutunguhan
O sa taong nakaharap sa kalikod likuranVII
Madaling malaman ang dapat
Ngunit ikaw mismo ay nararapat
Hindi sapat ang ngiti sa bawat luha
Hindi sapat ang hawak sa pagkadapaVIII
Kailangan mo rin ng yakap
Kailangan mo ng panyo
Payo, gabay, pagsuporta
Hindi sapat ang mahal ka langIX
Dapat mahal na mahal talaga
BINABASA MO ANG
Ika Labing Siyam Na Tula
PoetryLahat ng ating nararamdaman ay may paraan tayo kung paano natin ito maiipakita. Para sa akin tula ang aking paraan upang maiparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.