Chapter 1: Ana

4 1 0
                                    

Napapikit ako nang isang segundo pagkabukas ko ng ilaw sa maliit na sala. Tahimik ang buong bahay at walang pinagbago ang itsura nito simula nang umalis ako kaninang umaga. Pasado alas otso na ng gabi ako nakauwi dahil namili pa ako ng konting grocery pagkagaling sa trabaho. Dumiretso ako sa kusina para ilapag ang mga pinamili ko at para makapagluto na rin ng uulamin.

The place was so quiet. Tanging ang maririnig lamang na ingay ay ang kaluskos ko sa loob ng bahay, tunog ng mga gangis sa paligid, at ang hampas ng alon mula sa malayong dagat. This wasn't the usual setting I usually go home to. But this was my present.

Nagluto ako ng ginisang gulay at pritong isda para sa hapunan ko ngayong gabi. Dinamihan ko ang nilutong gulay at tatlo na rin ang prinito kong isda dahil balak kong magbigay sa kapitbahay kong si Ate Sabeth at sa pusa na madalas umaaligid dito sa bahay. Minsan kasi hindi nagluluto si Ate Sabeth at madalas mas pinipili ang de lata lang dahi mag-isa lang naman siya sa bahay. Nang malaman ko 'yon ay kapag nakakapagluto ako binibigyan ko siya ng ulam bilang pasasalamat ko na rin dahil tinanggap niya ako na mangungupa pagkatapos umalis ng pamangkin niya.

Nang matapos magluto ay naligo muna ako. Lumabas ako ng bahay bitbit ang dalawang tupperware na laman ang mga ulam. Hindi naman malayo ang bahay ni Ate Sabeth. Isang bahay nga lang ang pagitan namin pero dahil malaki ang distansya ng mga bahay dito ay nagmumukha siyang malayo. I could feel the fine sand on my sole, making me groan. I just took a bath after cooking, and now the sand was glued on my feet. I should wash them once I get back to the house.

"Ate Sabeth!" Tawag ko pagkahinto ko sa tapat ng pintuan niya. Bukas ang pinto at nakikita ko rito ang palabas sa TV. I didn't have a TV in my house. I didn't need one, anyway that was why sometimes I went here to watch some teleseryes. "Ate Sabeth!" Tawag ko ulit nang hindi pa rin siya lumalabas. Naririnig ko ang kalampag sa kusina. I wondered if she was cooking, though.

Maya-maya lang din ay humawi ang kurtina na naghihiwalay ng kusina at sala. Lumabas ang pawisang Ate Sabeth na ikinaismid ko.

"Ana! Ulam ba 'yan? Sakto at wala akong luto na naman!" Humalakhak siya at lumapit para tanggapin ang nakalahad kong mga bitbit. Napangiti ako. Buti na lang hindi siya nagluluto.

"Ano pa lang ginagawa mo sa kusina, Ate? Pawis na pawis ka na."

"Hinahanap ko kasi 'yong bowl na lagayan ng salad dahil may hihiram bukas at ngayon naman binabalik ko na ang hinalughog ko." Sagot niya. Napatango ako.

"Sige po. Babalik na ako sa bahay." Umatras ako para umambang babalik na sa bahay.

"Hindi ka babalik dito? Ayaw mong manood?" Turo niya sa TV nang hindi lumilingon. Ngumiti ako at umiling bilang pagtanggi. Sayang, paborito ko pa naman ang teleserye na 'yon pero pagod din ako ngayong araw.

"Bukas na lang siguro. Gusto ko matulog nang maaga."

"Oh, siya, sige! Salamat sa pagkain, Ana. Ibabalik ko ang tupperware mo bukas."

As I walked past the yard of Ate Sabeth, the cat who was always following me suddenly came out of nowhere. Kung hindi lang siguro ito kulay puti ay baka napatalon na ako sa gulat dahil hindi ko agad mapapansin. It followed me inside my small house and kept on meowing and bumping my legs with its chubby body.

"Gusto mo na ng pagkain 'no? I'll eat first before you." I said when I crouched to pet its head. Napahagikhik ako nang napapikit-pikit pa ito sa ginagawa ko.

Naghain ako para makakain na ako. As I ate, I couldn't help but notice the lingering silence. Sobrang tahimik ng bahay at ang bagsak lang ng kubyertos sa plato ang namumutawi. This was the kind of moment I missed my family the most. Moments I treasured the most because we were together after a long day of not seeing each other. Despite the problems we encountered, we were together and we had food that filled our stomach, stories that filled us with a whirlwind of emotions and realizations.

Lean on Me (Wandering Soul #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon