Minutes before six in the morning, I was already in the kitchen making myself a cup of coffee. The sun outside was slowly rising. Umakyat ako sa teresa at doon nagpasyang magmuni-muni habang nagkakape. Ang madilim na paligid ay unti-unting nagliliwanag. Ang kahoy na barandilya sa teresa ay malamig ay medyo basa dahil siguro sa malamig na hangin.
I inhaled the fresh air brought by the cold, misty morning. I sat down on the wooden chair and sipped on my hot black coffee. After years of living in Manila, ngayon lang ulit ako nakauwi dito sa probinsya. I actually didn't want to go home. I had no plans for that because I was so busy dealing with my projects and clients. But circumstances called me back here.
Sumimsim ako ulit sa kape at napagpasyahang tumayo para libutin ang paningin sa malawak na lugar. I rested my hands on the railing as I surveyed the green scenery. Parang walang pinagbago ang lugar na ito kahit na matagal akong nawala. Everything felt nostalgic. Very familiar to me. The numbers of houses were still the same. I bet the people living here were still the same. Pati ang tunog ng mga hayop sa paligid, ng paghampas ng alon, ng hangin na dumadampi sa dahon ng mga puno ng niyog ay parehas pa rin.
Tuluyan nang sumikat ang araw at lumiwanag na ang paligid. Humigop ako sa kape at inilabas ang phone sa aking bulsa. It was still early to work but I needed to check some emails that I missed yesterday. Buong araw akong nasa biyahe kahapon at pagdating ay hindi agad naasikaso ang mga email. I was currently on leave from my work, but I told my subordinates to email me in case they have problems or queries.
I started answering some emails. It wasn't a lot so I was able to finish all of them in a few minutes. I was planning on contacting one of my subordinates but it was still early. Baka nga hindi pa gising 'yon kaya mamaya na kapag office hours na. Inubos ko ang kape na natira sa mug at nagplano nang bumaba.
Ilang baitang na lang sa hagdan ay tuluyan na akong makakababa nang bigla kong narinig ang tawag sa akin ng pamilyar na matinis na boses. Hinanap ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko agad ang papasok sa bakuran namin na si Ate Sabeth. Napangiti ako nang makita siya. Hanggang ngayon nandito pa rin siya. Wala nga talagang pinagbago ang maliit na lugar na ito.
"Nako, nako! Nandito pala ang big time naming Architect! Kaya pala kahapon may naglilinis dito." Sabi niyang makalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan nang may malawak na ngiti sa labi. She was still the same Ate Sabeth I'd known. It seemed to me that she didn't age. Walang pinagbago sa pangangatawan niya at lalong hindi halata ang edad niya sa mukha niya.
"Big time ka diyan! Malayo pa ako sa ganoon."
"Asus! Kumusta na, Javier? Nasaan ang pasalubong ko?"
"Ayos lang, Ate Sabeth. Wala akong pasalubong kasi biglaan. Sa susunod na lang. Ikaw kumusta? Tumatanda ka yatang paurong?" Sabi ko at humalakhak. Binitiwan niya ang balikat ko at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga.
"Aba dapat lang! Hindi ako papayag na mukha na akong matanda, 'no! Kailangan maganda pa rin. " Tumawa siya. "Tingnan mo ang katawan mo. Puro muscles. Pinagpipyestahan ka na siguro ng mga kakabaihan!"
"Hindi naman, Ate. Tamang appeal at pagwapo lang." Tumawa ako.
"Kailan ka pa dumating?"
"Kahapon lang ako nakarating tapos gabi na ako umuwi rito sa bahay."
"Biglaan ba ang pag-uwi mo? Dahil ba 'to sa nangyari sa Papa mo?" Malumanay niyang tanong. Napayuko ako saglit at marahang napatango.
"Opo. Gusto kasi ni Papa na umuwi kaming magkakapatid dito."
My father was in his late 70s and was having some issues with his health. A week before, they said he had a heart attack. He was convinced that he will die very soon kaya pinatawag niya kaming mga anak niya para makita niya man lang daw sa huling sandali ng buhay niya. Ewan ko ba kay Papa at nagsasalita na siya ng ganoong mga bagay. Kung pangunahan niya ang katapusan ng buhay para siyang Diyos. Desisyon yan?
BINABASA MO ANG
Lean on Me (Wandering Soul #1)
RomanceAna was the first born of the Hermano family. She was not from a wealthy family. In fact, her family was always trying to make ends meet. With that, she became determined to work hard so that she could help. She was a dutiful daughter-the best in h...