Pinindot ko ang susi ng sasakyan ko para ma-unlock ang pinto nito. Hindi na ako nagtagal sa bahay. Isang minuto pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya Peter ay tumayo na rin ako nagligpit ng mga gamit para makapag-ayos sa pagpunta sa bahay ng mga magulang ko.
Yes, my decision was against my will, but as a respect to my parents I would attend the family lunch. Siguro dala na rin ito ng pagkabanggit ni Kuya na paborito ko nga ang inihanda. Sino lang naman ba ang may tiyaga na magluto ng paborito ko? E 'di, si Mama.
I was doing this because I loved my mother so much. I respected her so much. Ayokong masaktan siya dahil lang sa pagiging selfish ko. Dahil lang ayaw kong makita si Papa. Tsaka ilang taon ko na ring hindi nakikita si Mama nang personal. Madalas sa video calls lang kaya mainam na rin na sulitin ko ang panahon na nandito ako sa probinsya.
The road was so bumpy because of the deep potholes. All these years, hindi pa rin talaga nakakamit ng Sta. Cuz ang pagiging moderno. Ever since I was young, the road was already damaged because of the soft soil. Purong lupa lamang iyon, damot, at buhangin kaya tuwing umuulan ay lumalambot. Kung dadaanan pa ng mabigat na sasakyan ay talagang gagawa ng pagkalubog.
Tulad na lang ng sasakyan ko ngayon. Napapangiwi na lang ako tuwing nadadaan ako sa malalim na parte. Hindi ko alam kung saan ako maaawa talaga - sa shock ba o sa lupa.
Isang malaking hininga ang pinakawalan ko nang makarating ako sa highway dahil patag na ang lupain doon. Sementado na kaya walang kahirap-hirap ang pagmamaneho ko. I turned on the stereo and turned off the aircon. Binaba ko ang bintana ng aking sasakyan para hayaan ang malayang pagpasok ng hangin sa loob. Wala pa ring tatalo talaga sa preskong hangin na dala ng probinsya.
I tapped my fingers on the steering wheel as I followed the beat of the music. Mabilis ang patakbo ko dahil wala namang traffic dito at lalong wala ring nagsisitawiran na mga tao. My eyes wandered for a moment to the rolling green fields under the scorching afternoon sun. I couldn't deny the fact that I missed this place. This was where I grew up. Marami akong alaala na nagawa rito bago ako lumuwas ng Manila. This was a safe haven for me. My solace. I loved being here. There was even a point in my life where I declared that I would never leave the province. I would live here and be content with a simple life I would build with my future family.
It felt like a faraway dream now. Although I could easily do that - live here simply - I wouldn't. Hindi ko na gagawin dahil hindi ko na gusto.
I took a right turn on a corner. Papasok ito sa street patungo sa mga naglalakihang kabahayan sa Lanuza. Hindi naman subdivision iyon dahil walang konsepto ng subdivision ang mga tao dito. People who have the means just went on building houses closer to a mansion with their size.
Bumagal ang patakbo ko ng sasakyan nang maaninang na ang itim at gold na gate ng aming bahay. I honked twice to inform the guards to open it. Dali-dali naman sila sa pagbubukas.
"Magandang araw, Kuya Arnel." Bati ko sa isang guwardiya na napakatagal nang nagtatrabaho sa pamilya namin.
"Magandang umaga, Javi. Aba'y kanina ka pa yata hinihintay sa loob. Ikaw na naman ang huling dumating sa inyong magkakapatid." Humalakhak siya habang tipid lang ako na ngumiti.
"Ganoon talaga. Save the best for last, Kuya."
Ipinarke ko ang sasakyan sa bakanteng pwesto katabi ng itim na Montero. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay rinig ko na ang sigawan ng mga bata. I smiled, thinking that my nieces and nephews were here. Kahapon ay hindi ko sila nakita sa bahay.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Eleganteng tingnan ang mga muwebles dito at halos puro babasagin. Pamilyar pa rin ang mga kagamitan at may iilan lang na nadagdag. It was my mother's taste - the elegant and shiny things in life. I couldn't blame her. She grew up in a wealthy family. Naisip ko lang ngayon ay si Papa na sobra-sobra siguro ang pagtatrabaho para lang mapunan ang pangangailangan ng pamilya at mga gusto ni Mama.
BINABASA MO ANG
Lean on Me (Wandering Soul #1)
RomansaAna was the first born of the Hermano family. She was not from a wealthy family. In fact, her family was always trying to make ends meet. With that, she became determined to work hard so that she could help. She was a dutiful daughter-the best in h...