Chapter 5: Ana

5 1 0
                                    

Linggo ngayon at maaga akong gumising dahil magsisimba kaming dalawa ni Ate Sabeth. Isang beses lang kasi nagmimisa ang maliit na simbahan dito dahil kokonti lang naman ang tao.

I straightened the skirt of my dress as I surveyed myself in the mirror. My shoulder length hair was still damp. Naglagay ako ng kaonting blush on sa aking pisngi at lipstick sa labi para naman hindi ito magmukhang maputla. When I felt content with my look, I turned my back on the mirror and went to the door. I locked it and walked to the direction of Ate Sabeth's house.

Napansin ko pa sa bakuran ko ang mga halaman. Mamaya ko na siguro sila didiligan pagkauwi. Buong araw naman akong walang gawain dahil wala akong trabaho. Sarado ang pharmacy ni Ate Josie kaya ito na rin ang day-off namin. That was also the reason why my Sundays were dedicated to household chores since I was at the pharmacy the whole day six times a week.

Habang nasa kalsada ay hindi ko mapigilang punahin ang bahay ni Architect Javier. Ang ganda talaga ng bahay niya. Eleganteng tingnan ang puting french windows. Dagdag pa na may mga makukulay na halaman sa window box. It was also big. Like those houses in a famous subdivision in the metro. It was also well-maintained. Sa pagkakaalam ko may pumupunta sa bahay na iyon linggo-linggo para maglinis.

Sarado pa ang pinto at mga bintana. Tulog pa siguro siya. Sabagay maaga pa naman. Wala pa ngang alas sais ng umaaga. Tulog pa talaga ang ilan sa ganitong oras. Oh, baka naman wala rin siya diyan? Nilingon ko ang kabilang dako ng kalsada at nakita naman ang sasakyan niya. Tulog nga talaga siguro.

Pagkarating sa bahay ni Ate Sabeth ay hindi naman na ako naghintay nang matagal sa kanya dahil bihis naman na rin siya. Naglalagay na lang ng kolorete sa mukha. Umalis kami agad dahil aabutin din ng ilang minuto ang paglalakad namin papuntang simbahan.

"Tulog pa kaya si Javier?" Sambit ni Ate Sabeth. Nakatingin siya sa bahay ni Architect Javier habang dumadaan kami. "May sasabihin pa naman sana ako."

"Baka pag-uwi natin gising na siya." Sabi ko naman.

"Sana..." tumikhim siya. "Mamayang hapunan sa bahay ka na lang magluto. May ulam ako roon."

"Anong lulutuin?"

"Sinigang na bangus? O ihaw na lang kaya? Parang mas masarap. Tsaka ensaladang talong."

"Bakit ang dami?" Pagtataka ko. "May bisita ka?"

"Meron. Pero roon ka na rin kakain sa bahay. Ikaw magluluto, e."

"Okay." Pagpayag ko. Minsan talaga may mga bisitang pumupunta kay Ate Sabeth at ako ang pinagluluto niya. Ayos lang sa akin dahil bukod sa nakakalibre ako ng pagkain ay nakakatipid na rin ako ng groceries ko dahil hindi ko agad naluluto.

"Anong gagawin mo buong araw?" Tanong niya.

"Maglalaba. Maglilinis ng bahay. 'Yun lang. Tsaka 'yung pagluluto mamayang gabi."

Nakarating kami ng simbahan. Hindi iyon puno at halos puro matatanda lang ang nasa loob. May ilan namang kaedaran ko pero bilang lang sa daliri. Pumwesto kami sa mga gitnang upuan kung saan may kakilala si Ate Sabeth.

The church wasn't the typical big church. It was so small. Parang kasing-laki lang ng bahay ni Ate Sabeth. The walls were made of cement. There were no frames of the stations of the cross hanging on the walls. The ceiling was just wooden beams. Even the altar didn't look like an altar because of the cheap table and mantle. But the floors were tiles. Balita ko kaya nami-maintain at nagi-improve ang itsura ng simbahan na ito ay dahil sa mga nagdo-donate.

I heard the ringing of the bells, a sign that the mass would start. Sa kahabaan ng misa ay taimtim lang akong nakinig at nag-alay ng dasal.

After mass, we went home directly. Inasikaso ko agad ang mga gawaing-bahay. Hindi naman sobrang dami iyon pero malaki ang makokonsumong oras. I started cooking for my breakfast first. Scrambled egg lang naman dahil ipapalaman ko lang sa tinapay. I quickly ate my breakfast so that I could officially start the chores.

Lean on Me (Wandering Soul #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon