Chapter 6: Javi

3 1 0
                                    

Ana was silent beside me as we waited for the fish to cook. Tingin ko ito na lang ang hinihintay talaga. Madilim na sa buong paligid dahil tuluyan nang nagtago ang araw. The only light that illuminated us came from the small bulb overhead.

Tumayo siya at lumapit sa ihawan para tingnan iyon kaya tinigil ko ang pagpapaypay para hindi mapunta sa kanya ang usok at abo. I smirked when I remembered her concern earlier. Yes, she was concerned. It was very evident in her tone and facial expression. Actually, I didn't mind. Ni hindi ko nga naisip na bagong ligo lang ako sa mga oras na iyon kaya walang pag-aalinlangan akong pumayag na mag-ihaw. Usok lang naman. Hindi naman nakakamatay.

When she sat down again, I had the urge to converse with her. We had been silent since we started grilling here. Gusto kong makipag-usap kaso hindi ko alam anong topic ang pwedeng pag-usapan.

I also wanted to know what she was thinking because whenever I caught a glimpse of her, she looked lost in thought. Sometimes her brows would furrow, intriguing me more. I cleared my throat which pulled her out of her trance. She looked at me and smiled a little.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." Panimula ko.

She chuckled while shaking her head. "Iniisip ko lang 'yung isda. Baka hindi maluto nang maayos."

Sinilip ko ang isda na kulay itim na ang balat. If I were to judge it, I would say it was cooking well. "Maluluto 'yan. Ang galing kong magpaypay tapos maya't maya mo pa chinicheck kaya malabong hindi maluluto."

I knew it was only her excuse. Sino bang nago-overthink sa isda? Sinakyan ko na lang. But I respected that. Hindi rin naman kami magkakilala talaga para magkwento na lang basta-basta. Tsaka baka ma-badtrip ko lang siya kung totoo mang may problema siya.

"Gaano ka na ulit katagal dito?" Tanong ko. Pito. Bobo mo, Javi. Alam ko naman ang sagot kasi nasabi na sa akin noong nakaraan pero gusto ko lang talagang makipag-usap at para ma-maintain ang momentum. Baka mapanis talaga ang laway naming dalawa kung hindi pa rin kami mag-uusap.

"Uhh..." She started counting using her fingers. Para siyang bata na pinapagbilang. "Seven months. Almost eight."

"Medyo matagal na rin. How's your stay so far?"

"Ayos naman. I like it here, honestly." A serene smile formed on her lips. "Fresh air... Slow life... Peaceful." She shrugged.

"Ahh, the things that are rare in Manila." I chuckled. I like those things, too, but I still preferred Manila. "Are you planning on staying here for a long time?" I curiously asked.

She shook her head. "Temporary lang. Hindi pwedeng magtagal talaga."

I was about to ask why, but she stood and went to the grill. Sinabi niyang luto na iyon kaya inalis niya na sa halingan. Niyaya niya ako papasok sa bahay ni Ate Sabeth.

"Luto na? Ang bilis ah!" Sabi ni Ate pagkakita sa amin.

"Mabilis na 'yun? Ang tagal nga." Sagot ni Ana habang nilalapag sa lamesa ang tray na may mga inihaw. "Maghahain na ba, Ate?"

"Sige. Kumain na tayo."

"Wala ka ng ibang bisita?" Tanong ni Ana habang kumukuha ng mga plato. I approached her to get the plates from her hands, which she immediately passed to my waiting hands.

"Si Javier lang tsaka ikaw." Sagot ni Ate Sabeth. "Pa-dinner ko 'to kasi ang tagal nawala nitong si Javier. Buti nga naisipan pang bumalik."

"Grabe, Ate. Hanggang ngayon paboritong-paborito mo pa rin talaga ako." Biro ko. "Halatang miss mo rin ako."

"Ay, hindi ka pala updated. Si Ana na ang paborito ko." Sabi niya habang umuupo na sa hapag. "The best 'yan! Napakabuting tao." Proud na proud niyang sabi at nag-thumbs up pa. Binalingan ko naman si Ana na mukhang nahihiya sa pinagsasasabi tungkol sa kanya.

Lean on Me (Wandering Soul #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon