Chapter 3: Ana

4 1 0
                                    

"Anong impression mo kay Javier? Gwapo 'di ba?" Napaismid ako sa tanong ni Ate Sabeth. I glanced at her only to see that she was suppressing her playful smile.

"Javier? 'Yung Javi?" Tumango-tango naman siya habang sinisipat ako. Tila ba hindi siya makapaniwala sa tono kong patanong. "Ayos lang. Mukha namang tao." I joked.

Nakakatawa talaga 'tong si Ate Sabeh. Akala ko noong dinaanan niya ako kanina sa bahay ay didiretso na kami sa tulay pero naglakad pa kami papunta sa eleganteng ancestral house. Balak niya pa lang makipag-chikahan doon sa lalaking kararating lang kagabi.

"Malamang tao! 'Yun lang? Gwapo 'di ba? Tapos ang ganda pa ng katawan. Nakita mo 'yung muscles sa braso? Dapat pinisil mo!" Irit niya pa.

"Anong dapat pinisil ko? Harassment 'yun!"

"Hindi! Magpapaalam tayo syempre!"

Siniko ni Ate Sabeth ang tagiliran ko. Napailing ako habang pinipigilan ang pagngiti dahil sa sinasabi niya. Alam ko namang hindi ito titigil kung hindi ako sasagot pero ayaw ko pa ring sagutin dahil magkasundo sila at baka ilaglag pa ako nito.

Nakalayo na kami sa bahay ni Architect Javier. Mukhang siya ang lalaking pumasok sa bahay na iyon kagabi. Hindi naman mukhang bandido. Mukha ngang mayaman, eh. Medyo mukhang suplado dahil sa mapanuri niyang mga mata. Sa tikas at aura niya rin. I would bet he was a bit hard to approach because of those characteristics. Anyway, ano bang impression ko sa kanya? Ewan. Wala siguro. Hindi ko naman siya masyadong pinagtuonan ng pansin talaga dahil saglit lang kami roon. Nagpakilala lang at tapos na.

"Single ka ba, Ana? Wala kang boyfriend?"

"Wala naman."

"Single rin si Javi. Tinanong ko kanina." Humagikhik na naman siya. Napailing ako. Ano namang gagawin ko sa impormasyon na 'yan?

Para sa isang taong walang kasama sa buhay o walang nakarelasyon, si Ate Sabeth na yata ang pinakamalaking hopeless romantic. Nakwento niya sa akin noon na gustong-gusto niyang naglalaro bilang si kupido. She boasted that she was a good matchmaker. In my opinion, baka naman nagkataon lang na meant to be talaga ang napapares niya.

"Gusto mo ng boyfriend?" Tanong niya na parang inaalok lang ako ng candy.

"Next time." Sagot kong labas sa ilong.

"Kailan? Bigyan mo ako ng exact date para makapagplano tayo kung kailan ka magkaka-boyfriend."

"Ate! Wala 'yan sa plano ko. Wala akong plano." Pag-amin ko para bitawan niya na ang topic.

"O, e 'di, change of plans na!" Ikinumpas niya pa ang kamay niya. Hinawakan niya ang likod ko. "Feeling ko bagay kayo ni Javi."

"Feeling mo lang 'yun. Tigilan mo na 'yan, Ate. Hindi mo kailangan magpaka-cupid sa lovelife ko." Sabi ko sa kanya. Napanguso naman siya at tinitigan ako nang ilang segundo.

"Hindi ka pa ba nagkaka-boyfriend?" Usisa niya. Napangiwi ako.

Bakit pakiramdam ko ang layo ng tulay ngayon? Bakit hindi ko pa natatanaw ang simbahan? Bakit parang kanina pa kami naglalakad? Ilang baka na ba ang nalampasan namin? Usually, tatlo sa umaga. Nakatatlo na ba? Gusto ko na makasakay sa habal para hindi na ako matanong nitong si Ate Sabeth.

"Nagkaroon naman na. Isa."

"Huh?! Isa lang?!" Gulat na gulat niyang reaksyon. "Talaga ba? Bakit? Imposibleng walang nanligaw sa 'yo. O baka ayaw mo?"

"Wala akong oras para sa mga relasyon noon kaya hindi rin ako nagkainteres." Kibit balikat ko.

It was the truth. Palagi akong busy noon. My world then revolved around work and home. I rarely had time to socialize with my friends because I always prioritized family and work. Masyado akong abala sa pagtatrabaho para kumita ng pera para sa pamilya kaya hindi ko na napagbigyan ang sarili sa ibang bagay. I realized that recently whenever my mind was filled with 'what ifs'. And those became the things that I regret. There were times I felt like I haven't lived a good life because I missed and lacked those aspects of life.

Lean on Me (Wandering Soul #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon