Nandito ako ngayon sa opisina at nagmamadaling tinatapos ang isang dokumentong late na ibigay sa akin pero pinapatapos agad ng isang head sa kabilang department. Mabilis ang pagpapalipat-lipat ng mga daliri ko sa kalaparan ng itim na keyboard. Konti na nga lang iisipin ko nang babaon na ang bawat letra na pinipindot ko dahil sa bigat ng bawat bagsak ng mga daliri ko.
"Hindi naman halatang naiinis ka, 'te! Lakasan mo pa ang pag-type!" Pang-aasar ni Diane. Hindi ko siya dinungaw dahil ayokong alisin ang mga mata ko sa tapat ng screen. Nagkaroon ng pulang linya sa ilalim ng ilang salita dahil sa maling spelling na nagawa ko kaya pinindot ko agad ang backspace button para burahin iyon at ulitin. "Hindi ka ba mago-OT ngayon?"
"Wala akong plano. Gusto kong umuwi agad ngayon." Sagot ko sa mariin na tono. Naramdaman ko ang pagsungaw ni Diane sa cubicle ko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita at nakatitig lang din sa computer screen.
"Sabagay, ilang araw ka na ring OT. Pwede mo na ngang palitan ang guard ng building dahil sa tagal mong nagsi-stay." Puna niya. Ngumuso ako at tumigil muna sa pagtitipa at binalingan siya.
"Alam mo namang kailangan ko ng extra ngayon," buntong-hininga ko. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Diane. Alam niya kung ano ang pinanggagalingan ko. Of course, she knew! She was my closest workmate here in the office. She treated me as her best friend, and I did, too. "Malapit na kasi ang sunod na bayaran ng tui-,"
Hindi ko na naituloy ang kataga dahil naunahan niya na ako. "Tuition ni Clara at Denzel. Buong linggo mo nang sinasabi 'yan, Ana. Kabisadong-kabisado ko na!"
Pagod akong ngumiti at hinipan ang takas na buhok na nahuhulog sa aking noo. Dalawang linggo o higit nayata akong nag-OT. Nalalapit na kasi talaga ang bayaran sa school ng dalawa kong kapatid na nag-aaral pa. Hindi naman pwedeng ma-delay ako sa pagbayad dahil may dagdag na penalty. Tsaka baka hindi sila payagang makapag-exam. Ewan ko ba sa mga school, minsan wala ring consideration pagdating sa aspetong pinansyal.
Tinignan ko ang maliit na calendar sa sulok ng cubicle ko. Nakabilog gamit ang pulang ballpen ang nalalapit na petsa ng bayaran. Nilingon ko naman ang orasan sa sulok ng screen. Pinatunog ko ang aking mga daliri at nagtangkang babalik na sa pagtitipa para matapos ko na ang pesteng dokumento na ito. Kung gusto kong matapos agad, mas mabuti pang bumalik na sa trabaho. Ang daming oras kanina at hindi man lang naisipang ibigay agad ito? Ano bang naisipan ng nakatataas at nagpapabagal-bagal sila? Ngayon pa talang ilang minuto na lang natitira at out na sa trabaho. Hay! Kung pwede lang umangal nang walang consequences baka kanina pa ako nagtatatalak sa buong opisina. Pero mahalaga ang trabaho ko ngayon kaya tinitiis ko na lang talaga lahat.
"Punta tayong mall pagkatapos mo riyan." Yaya ni Diane. Nag-aayos na siya ng gamit niya. Rinig ko pa ang pagdampot niya ng mga ballpen at paglagay nito sa pen holder niya.
"Ano na namang gagawin mo d'on? Gusto ko na ngang umuwi."
"Bibili ako ng dress kaya tulungan mo akong mamili. May date ako sa Sabado."
"Bukas?" Kumunot ang noo ko. Saglit akong lumingon sa kanya habang ginagalaw ang mouse. Tumango-tango naman siya habang may malapad na ngiti. I squinted to see the section of the document where I will type next. Less than five minutes and I would be done with this shit.
"'Yan ba 'yung kaibigan ng kaibigan mo noong college?" Tanong ko ulit. "O iba naman 'yan?"
"Grabe ka naman! Wala namang iba. Siya lang!" Kinikilig niyang sabi kahit na medyo pabulong iyon. Kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine ko ang pisngi niyang namumula na parang tinadtad ng cheek tint. Alam kong gusto niyang tumili rito dahil sa kilig pero baka bigyan pa siya ng masamang tingin ng ibang employees namin. Mainit pa naman ang dugo ng iilan kay Diane dahil close raw masyado sa akin. Iniisip nilang sipsip siya dahil ako ang head sa department namin. Hindi naman nila kailangan mag-alala dahil mas madalas ay sinusunod ko ang protocol kaysa sa pagkakaibigan naming dalawa. "Anyway, niyaya niya na kasi ako kagabi. Syempre, hindi naman ako tumatanggi sa mga opportunities 'lam mo 'yan! Lalo na kapag gustong-gusto ko ang opportunities," she giggled.
BINABASA MO ANG
Lean on Me (Wandering Soul #1)
RomanceAna was the first born of the Hermano family. She was not from a wealthy family. In fact, her family was always trying to make ends meet. With that, she became determined to work hard so that she could help. She was a dutiful daughter-the best in h...