J mpwf zpv Lbszmmf

997 42 2
                                    

|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|

"Sakang!"

Bwiset! Sinundan pala ako neto. "Piki!", nanggigigil kong sigaw pabalik. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito sa lobby. Bakit ba ang layo ng room namin. Oo, namin. Sa kasamaang palad, classmate ko tong bruhang to.

"Hoy kulot weyt!" Mabilis nya akong naabutan kasi kabayo sya at mahahaba ang biyas nya.

"Ikawng bakla ka, pag di ka tumahimik, baka mababalian ka ng buto."

"Kung kaya mo.",maarteng sagot neto habang inaayos nito ang kanyang bangs.

"Bobo. Black belter ako sa taekwando no!"

"Oh chill chill. Madali kang madedoks nyan eh. Kung ako sayo gurl, bilisan mo na dyan kasi malapit ng mag bell."

Hinawakan nya ang aking kamay at hinala-kinaladkad ako papunta sa classroom namin.

[fast heartbeats]

Hoy lintek na puso. Tumahimik ka!


"AYIEEEEEEEE!"

Agad naman kaming napabitaw sa isa't isa. Napatingin naman ako sa mga kaklase namin na halatang kinikilig, yung iba natatawa.

"Hoy bakla! Aalis ka na ba sa pederasyon natin?!", sigaw ni Buern.

Napataas naman ng kilay si Vice- yan ang pangalan ng bruha. Anlakas makabisyo. "Gaga!", sagot nya kay Buern.

"Meme, matatanggap naman nila kung gagaya ka sa akin. Bakla parin naman tayo yun nga lang, merlat na ang love natin.", sabi naman ni Archie.

"Naku tigil-tigilan mo ko Archie ha?"

"Di naman kasi imposible Vice. Lalaki parin tayo. Kaya nga nainlove ako kay Joyce eh." shet.

"Yucks!", sabay irap nung gaga.

×××××××××××××××

"Ok. Today, I'm going to teach you about Archery. At dahil ayokong mabored kayo, you will going to perform it. Kaya ipapartner ko kayo..."

P.E namin ngayon at sa kasamaang palad, Archery to. Sana taekwando na lang.

"Rodriguez-Corpuz...." At nagsimula na si Ma'am na mag-announce sa mga partners.

Blah blah blah

"Tatlonghari-Viceral.."

Blah bla- wait what?!?!

Napatingin naman ako kay Vice na nakatingin din naman sa akin.

ARGGHHH. Bad day it is.

"Hindi ganyan Karylle ano ba naman yan!"

Kasalukuyan kaming nasa field at nag-eensayo kami ng Archery. Habang nagpapractice kami, naglelecture naman si Maam. Kesyo ganito, ganyan. Paano makakapagconcentrate maam?

Binigyan naman kami ni Maam ng time para magpractice kasi bukas daw, kung sino ang may pinakamaraming natamaan, yun ang makakakuha ng plus points. Pft.

Eto namang bruhang partner ko, kanina pa ako sinisigawan kasi mali daw ang posture ko at yung placement ng kamay ko.

"Heh! Edi ikaw na magaling! Porke't marunong ka na neto!"

Oo. Pinaglesson sya ng parents nya daw dati kaya marunong sya. Edi sya na! Edi wow.

"Ganito kasi yan K," tsaka sya pumunta sa likod ko at ginuide ang kamay ko sa kung saan ba dapat ilagay.

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon