*wink*
--------------------------------------Hi, I'm Karylle Tatlonghari. 22 years old. 17 years ago, I met this guy na makulit. I don't know his real name tho. Basta tinatawag ko lang sya na "Bakla". Eh kasi naman eh..ang lambot kumilos. Naging magbestfriend and yes umamin syang bakla sya. Pero after a year, kailangan daw nilang umalis. Syempre nalungkot ako. Mahal ko na kasi yung tao.
Call me malandi na bata but yes. Mahal ko sya. At hanggang ngayon, naiisip ko parin sya. Baklang yun! Ginayuma ata ako.
*************************
"YES! MAY SWELDO NA!", sigaw ng bestfriend kong si Anne.
"Anning..aga aga eh.."
"Eto naman..Kareeel! Kareeeelllll!!"
"Ano?!" Irritableng tanong ko. Mambulabog ba naman sa kwarto ko ng alas diyes ng umaga.
"May mall tour daw ang Times Five ditey! Oh my gosh girl! We should watch it like- OH MY GOD!! MAKIKITA KO NA SI Jay-Em MY LABS!"
Tch. Fangirl lvl 999 na tong si Anne. Eh ang pangit pangit naman ng boyband na yun. Tado. May hawig pa ang mga mukha ng mga damuhong members na yun sa isa't isa. Magkakapatid ata.
Pagminamalas nga naman ang mundo, may isinilang na limang demonyo. Ok sana kung chicser ang nagmall tour dito. (A/N: g*gu karel! Ew wala kang taste XD)
"Alam mo Anne, ikaw na lang pumunta. Busy ako." Nakita ko namang sumimangot ang mukha nya. Magpapacute to, pustahan tayo.
"Ehhh bestfriend naman eh! Support ka naman sa fangirl life ko. Alam kong hater ka pero pleaaaasseee? Sama ka lang. My treat." , sabi nya at nagpout. Sabi sa inyo eh. Pero nagring naman ang tenga ko nung narinig ko ang salitang 'my treat'. Tch. Sayang naman-"SIGE NA NGA!". Pasuko kong sabi.
"Yeheeeeyy!! Aylabyu bespren!!" Tsaka nya ako niyakap.
Tss.
*******************
Oo. Nahulaan nyo. Andito na kami sa venue. Ang aga-aga pa nga eh pero sabi ni Anne dapat daw maaga para maganda ang pwesto. Litsi.
Puro mga mukha ng mga damuho ang nakikita ko. I should've brought marker so that I could draw fangs and horns in their pictures. Vandalism at its finest.
Nagscroll na lang ako sa cellphone ko. Ilang minuto din ang dumaan at dumadami na ang mga tao.
Tingnan mo nga naman. Ang dami palang nauto ng boyband daw na to. Saan kaya sila bumili ng gayuma?
Paparami na ng paparami ang mga tao hanggang sa nagsimula na nga ang show.
May mga artista din pala na guest kaya ok na din. Di naman nakakabwisit dahil- ay nakakabwisit pala. Lumabas na ang mga demonyo galing sa impyerno.
Nakita ko naman yung isang myembro nila na ngumiti sa...akin? Gago yun ah! Akala mo naman kagwapuhan. Pwe! Pwe!
Nakatingin parin sya sa akin kaya inirapan ko sya. Nakita ko naman na tumawa sya ng mahina at umiling.
Kinalabit ko si Anne at sinabi kong aalis na lang ako. "No K. Dito ka lang."
"Anne, magkita na lang tayo sa Tom's World. Dun di ako mauumay."
"Di ka na rin makakalabas sis. Andami ng tao oh?" Napatingin naman ako sa paligid at tama nga sya, andami ng tao. Di na ako makakalabas dito. LORD, TULONG!