Hi I'm Karylle, simple student, mabait and friendly. Minsan este madalas kalog kaya masaya kasama.
Nandito ako sa labas ng classroom dahil wala pa si Ma'am. Kasama ko ang mga kaibigan ko na sila Mae, Sandra, Patricia, Ann at Vice.
"Hoy. Ang hirap nung sa logic nakker. Pero ito, madami tong sagot. Matalino to eh.", sabi ni Mae sabay turo sa akin.
"Hindi ah! Hindi kaya ako matalino."
"Sus. Andami mo ngang nasagot eh.", sabat naman ni Vice.
Kinilig naman ako ng konti deep inside. Hindi ko alam. Dati naman gusto ko lang sya makaclose kasi para syang kuya. Oo bakla sya, pero never pa syang nagkajowa ng babae o lalaki.
Matalino din naman sya at masaya kasama. Kaya nga nafafall na ako eh.
***
Lumipas ang mga araw, lalo akong nahulog sa kanya.
Nakakalito.
Sabi ng isip ko, mali ito. Bawal.
Pero iba ang sinasabi ng puso ko.
Hindi ko na alam ang susundin ko.
Kung pwede lang sana na ako na lang manligaw, edi gagawin ko. Pero parang nakakahiya din.
He thought na kuya lang ang pagtingin ko sa kanya. Pero di nya alam na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya(?)
Maraming beses kaming magkasama. At sa maraming beses na yun, maraming beses ko na rin tinanong ang sarili ko.
Pinilit kong pigilan.
"Antagal naman ni crush"
"K, sino ba kasi crush mo?"
"Hindi. Hindi mo kilala."
"Sino nga kasi?"
"Basta. Kilala mo pero di mo talaga malalaman na sya pala crush ko."
Vice, alam mo ba kung gaano ko kagustong ipagsigawan na ikaw ang crush ko...or worst(?) Ikaw ang mahal ko?
Gusto ko. Gustong gusto ko.
Pero alam ko na imposible. Alam kong hindi pwede. Bakla ka, babae ako. Hindi ko..hindi ko na alam.
Pero sana mahalin mo din ako.
Lord, tulungan nyo naman ako.
*
Sorry waley! pero true to life po yan.. Ang pinagkaibahan lang, sa tomboy po ako nafall. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong mali pero..hayyy... Ok walang may pake huhuhu.Hi Mayd ♥