"Monthsary na monthsary namin pero wala syang paramdam. Sabi nya magchichange sya ng sim. Aba, saang planeta ba sya nakatira at hindi sya makabili ng sim agad ha?"
"Ok lang yan. Malay mo may dahilan."
"Hindi ko alam...ewan. Haaaay."
Alas-dose na ng gabi pero wala parin. Walang paramdam. Binuksan ko ang facebook ko at pumunta sa profile nya.
May isang picture na nakatag sa kanya.
Magkasama sila. Magkasama sila sa monthsary namin. Magkasama sila nung ex nya.
"❤" yan ang caption.
Binaba ko ang phone ko.
Okay..
OKAY!
Mukhang nagkabalikan na ata sila. Sino ba kasi ako diba? Mas mahal nya naman kasi ata si Terrence kesa sa akin. Siguro laro lang tong lahat sa kanya.
The next day..
Tapos na ang party namin ng mga blockmates ko. Nakakapagod. Pero masaya.
Nandito ako sa boarding house ng kaibigan ko.
Dinamayan ako ng mga gaga kasi daw broken hearted ako.
"Oh! Inumin mo! Ok lang yan.", sabi ni Anne sakin.
"Karylle, wag mo na lang isipin. Wala naman syang kwenta eh."
"Anne, bakit madali lang sayo na sabihin yan? Eh barkada mo si Vice. Una mo syang nakilala kesa sakin."
"K, kaibigan din kita. At wala akong kakampihan. Kung ano ang tama, dun ako."
Natahimik ako. Pwe! Ang pait ng lasa ng beer. Hindi ako sanay.
Tinawagan ni Anne si Iza. Kaibigan din nya. Kaibigan din ni..ni Vice.
"Iz! Punta ka dito sa boarding house ni Coleen. Ha? Ano? Ah.. si K umiiyak. Si Vice kasi.. kasama si Terrence. Geh geh."
Ilang oras ang lumipas, hindi padin dumadating si Iza. Aba nasan na yun?
Napahinto kami nung may kumatok. Tinuon ko ang atensyon ko sa basong hawak ko. Iba talaga lasa ng beer. Ew.
Napatingin ako sa pinto nung binuksan ito ni Anne.
Hindi si Iza.
Matalim kong tinitigan .... si Vice.
Lumapit sya sa akin. Hindi ko sya pinansin.
"Wow. Invisible?", sabi nya.
Bigla na lang akong napaiyak. Ang sakit sakit kasi. Ano bang laban ko kay Terrence.
Andami kong tinanong sa kanya. Nagtaka ako bakit parang may umiiyak din kasabay ko.
Pag tingin ko, sya pala.
Ano ba tong pinapakita nya sakin? Laro lang ba to lahat? Bakit kami nagkakaganito?
Should I let go of him?
Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko sya pero masakit na eh. I had enough. :-) I love you Vice... goodbye.
----
TOLD YA! IT'S WALEY. DI DETAILED. GUSTO KO LANG TALAGANG IPALABAS EH. :'( BAKIT KASI GANITO. AM I NOT WORTH IT?