Maingay ang paligid dahil sa isang taong nagsisisigaw at nagbabato ng gamit at isang taong umiiyak. Buti nga di sila nagpapatayan.
"PUTANGINA KARYLLE! TANGINA NAMAN!!", sigaw ni Vice sabay bato sa lampshade.
"So-sorry Vice please."
"Sorry?! Sorry ha? Sa tingin mo masaya ako na kinasal tayo ha? Puta Karylle, HINDI!"
Walang ibang nagawa si Karylle kundi umiyak.
"Alam mong bakla ako eh. Pero ano? Tinuloy mo parin ang kasal kasi mahal mo ko? Nagamit mo pa ang negosyo nyo? Ha? Ha? Ano masaya ka na? Nakakadiri ka!"
Nilapitan nya si Karylle at hinawakan ng mahigpit. "Vice..vice patawad na oh. So-sorry di ko naman alam na-"
"Anong di mo alam Karylle! Pucha oh! Lumayas ka dito! LUMAYAS KA NA SA BUHAY KO!"
Mabilis na tumakbo si Karylle habang pinupunasan ang mga luha nya. Wala syang pake kung pagtitinginan sya ng mga tao. Ang alam lang nya, gusto nyang lumayo. Malayong malayo.
***
Mahigit dalawang taon na ang lumipas magmula ang pangyayaring yun.
Kumusta na kaya si Karylle? Kahit papano namimiss ko yun no? Naging kaibigan ko naman yun.....bago kami kinasal.
Hinanap ko naman sya eh. Madaming naghanap. Ako, mga kaibigan nya, pamilya ko....pamilya nya.
Dapat pala di ko na sinabi yung mga masasakit na salita sa kanya.
Edi sana, kasama ko pa sya.
"Ah sir, 3489 po lahat.",sabi ng cashier at nabalik ang lumilipad na utak ko.
"Ah sige ..", nilibot ko ang mata ko after kong matanggap ang sukli ko.
Bigla akong tumakbo.
Sht.
Si Karylle yun eh.
Hinanap ko kung saan saan pero di ko na sya nahagilap. Napaupo na lang ako sa sahig.
Napalingon naman ako sa likod ko dahil may kumalabit sa akin.
"Kuya, gusto mo?", sabi nya at inalok sakin ang isang shake.
"Ah wa-wag na lang..."
"Sige na kuya. Tanggapin mo na. Wala namang nagmamay-ari nyan. Tsaka malinis yan at walang lason no."
"Ahh si-sige. Salamat.....Karylle."
Tiningnan nya ako habang nakakunot-noo.
"Sino po si Karylle?"
"Ah..eh.. Ano bang pangalan mo?"
"Marie. Ako po si Marie. Ikaw?"
"Vice. Just call me Vice."
"Uy Marie! Nanjan ka lang pala!", napalingon kami pareho sa taong tumawag sa kanya.
"Jane!"
Hindi na ako nahiya. At tinanong ko na yung Jane na kasama nya.
"Ah, excuse me. Pwedeng magtanong? Kaano-ano mo si Marie?"
Sasagot na sana sya ng biglang sumabat si Karylle. "Uy c-cr muna ako ha? Dito ka lang!", sabay lakad papunta sa cr.
Tumingin naman ulit si Jane sa akin.
"Nakatira na yang si Marie sa amin. One time, nakita lang namin syang nakahandusay malapit sa isang puno at nagdudugo yung ulo. Sinugod na namin sa ospital. Buti buhay pa."
"Ba-bakit. Anong nangyari?"
"Di namin alam eh. Basta nung nagising sya..wala na syang maalala."
Hindi pa nagsink-in sakin ang lahat ng sinabi nya. Kasalanan ko to eh.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang importanteng tao sa buhay ko.
"Hello? Alam ko na kung nasaan si Karylle. Alam ko na kung nasaan ang anak nyo....Tita."
The end.
Cliché is the title kasi cliché din ang story bwhwhwhwhw.