Karylle's POV
Isa. Isang beses lang ako nagkagusto sa isang katulad mo. Sa isang bakla. Hindi ko alam kung bakit, paano, kailan nagsimula basta nalaman ko lang, mahal na kita Vice.
Dalawa. Dalawa kayo sa puso ko. Gulong gulo ako. Mahal kita pero mahal ko rin si Yael. Hindi ko alam. Gusto kitang piliin pero baka itaboy mo lang ako. At ayokong masira ang relasyon natin bilang kaiibigan.
Tatlo. Tatlong malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako umoo sa altar. Gusto kong tumakbo pero wala akong pupuntahan. Dahil sa bisig mo, kahit kailan, hindi masasandalan pagkat akoy iyong iniiwasan.
Apat. Apat na beses akong nag I love you sa'yo nung araw bago ang kasal ko. Pinuntahan pa kita nun pero apat na beses mo lang din akong nginitian at sinabing "Hindi pwede Karylle. Bakla ako."
Lima. Limang beses tayong nagkahalikan sa harap ng maraming tao pero hindi ko mabilang yung mga tagong halik at lambingan natin. Dahil patago tayo. Kasi takot tayo.
Anim. Anim na beses kong binigay ang sarili ko sa'yo. Akala ko poreber na eh. Akala ko, ipaglalaban mo na ako. Akala ko lang pala.
Pito. Pitong missed calls. Pitong text ang sinend ko sayo para tumutol ka. Pero wala kang ginawa. Naghintay ako pero nagreply ka lang ng "Ikaw ang pinakamagandang bride sa buong mundo".
Walo. Walong sulyap bago ako magpaalam sayo. Kasi suko na ako. Sumuko ka na eh.
Siyam. Siyam na minuto na lang ang hihintayin at ako'y aalis na sa bansang ito. At hinding hindi mo na makikita.
Sampu. Sampung linyang bibitawan ko bago ako umalis.
"Mamimiss kita."
"Para sa ikabubuti natin to."
"Mag-iingat ka."
"Masaya ako kapag masaya ka."
"Sana magtagpo ang landas natin sa hinaharap."
"Sana minahal mo talaga ako"
"Kung sana lumaban ka dati, masaya sana tayo ngayon."
"Mahal na mahal kita. Ngayon at bukas."
"Magkakaanak na tayo, Daddy Vice."
"Paalam."