Nagpeperform ang Itchyworms at kinakanta ang bago nilang single na 'In love ako sa'yo'.
Nakaplay sa LED ang music video. Sila Karylle at Vice ang nasa music video.
Napatigil at napatili ang lahat nung lumabas sila Vice at Karylle.
~Oh ano ba naman tong nararamdaman
Hindi ko na ito maintindihan
Nalilito na nga ang utak ko
Pero in love ako sayo~The showtime hosts gathered in the stage.
"Yan po yung bagong song namin na In love ako sayo...a vicerylle song.", Jugs said.
"Teka. Ba't ViceRylle song?"
"Para sa kanila yan eh.."
"Huy! Gawa gawa lang yan ni Jugs. Di yan totoo!", pagsabat ni Vice.
"Aaahhh talaga ba Vice?"
"O-oo..."
"So, gawa gawa ko lang yung lyrics na sayo mismo gal-aasfgjkl", naputol ang sasabihin ni Jugs nang biglang tinakpan ni Vice ang bibig nito.
"Uy ano yan ha..", kinikilig naman ang mga hosts kasi mukhang may something talaga ang ViceRylle.
"Wala! Basta wag kayong maniwala kay Jugs!"
"Tama na pogi..", Karylle said and smiled.
Ngiting kilig namang tumingin si Vice kay K.
"Ikaw ha..pogi pala ha. Alalay sa damdamin Karylle. Baka mapahamak ka."
Napatili ulit ang mga madlang people sa sumunod na sinabi ni Vice.
"May mga bagay talaga na hindi mo masabi kaya idinadaan na lang sa kanta. ", bigla nyang sabi habang nakasulyap kay K.
Tumigin si Karylle kay Vice. "Kaso huli na.", she said.
Nagpatugtug naman ang dj ng malungkot.
***
Vice
"Kaso huli na."
Tama. Huli na. Bakit kasi na banban ako? Bakit kasi ang in denial ko? Bakit kasi kung kailan ko binalak na umamin... noon pang engaged na sya.
Sabi nya, mahal nya ako. Mahal namin ang isa't isa.
Pero wrong timing.
"Oo nga eh...sayang.", sagot ko kay K. "Pero alam nyo madlang people, yung lyrics...totoo po yun.", dagdag ko.
Hampasan. Tilian. Yan kaingay ang studio dahil sa sinabi ko. Ewan ko din sa mga to eh. Kahit alam nilang imposible na, push parin ng push.
"Inenterview ko po talaga sila before ko kinompose ang kanta. Yung first verse, kay Vice yun. Yung pangalawa, kay Karylle."
Napatingin ako kay Karylle. Nakatingin din sya sa akin.
"Nu'ng makilala kita, ay wala 'kong nadama. Kinaibigan kita at maraming natuwa. Wala naman talaga akong balak sa 'ting dalawa. Pero ang puso ko eto'ng kinakanta...", sabi ko kay Karylle.
Bigla namang pinatugtug ng DJ ang chorus.
"Andrama na ng opening natin ha!", epal ni Anning. Natawa naman ako kasi, oo nga naman. Ang lalim na ng hugot ko...namin.
"Eto kasing si Karylle eh!", sabay turo ko kay Karylle.
"Anong ako?"
"Kinoconfuse mo kasi ang pagkatao ko."
At napuno na naman ng ingay ang studio.