Dahil natutuwa ako kasi marami nang reads ang DMWMB. I have a gift - special chapter!
Napapansin ko kasi na madaming nadidisappoint sa ending ko. Kasi mas boto kayo kay Quen. And because of that, I will make this chapter for you guys to fall in love with Bryan Justin Mercado.
I'll try my best! Aja! Enjoy!
- - - - -
Angel's POV
"Kamusta na?"
(Eto. Gwapo pa rin, ikaw?)
"Wala pa ring pinagbago Quen. Grabe ka. Hangin oh." Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.
(Eh anong magagawa? Ganun talaga eh)
"Alam mo, naiimagine ko yang pagmumukha mo habang nagyayabang." Tumawa na naman siya. "Haaay miss na kita alam mo yon?"
(Oops. Wag kang ganyan Angelita. Baka bigla akong lumipad pabalik diyan sa Pinas.)
"Oh eh asan ka naman kasi ngayon. Nung isang linggo nasa London ka diba?"
(Yep. Nasa nasaan na nga ba ako?)
"Ay pambihira"
(Joke lang. Nasa China ako ngayon, binisita ko si Kuya. Sweet ko no?)
"Uy, kasama mo pala siya?"
(Wala siya ngayon. May lakad ata)
"Ah, pasabi nalang hello ah."
(Sige. Pag naalala ko. Hahaha oh? Ikaw? San ka?) Bumuntong hininga ako.
"Eto, nasa bahay. Tambay sa kwarto."
(Kawawa. Si Bry? Di ka niyayaya lumabas?)
"Dapat nga lalabas kami ngayon, kaso umalis Mommy tapos wala daw maiiwan dito kay Shay kaya ayun. Hay nako." Narinig ko na naman ang tawa niya, wala na siyang ginawa kundi tumawa. Saya saya?
"Shane! Dinner's ready!"
(Eh? Sino yun? Si Bry?)
"Yea."
(Ah. Kala ko ba wala siya?)
"Ang sabi ko, di kami lumabas. I needed a chef kasi eh. So ayun haha."
'Who's that?' Bry mouthed.
'It's Quen.' I mouthed back.
(Ah, sige kain ka na. Talk to you later after dinner? Boredom's killing me as fck.) Natawa naman ako dun
"Hahaha! Ikaw talaga. Sige, will message you nalang uli. Bye."
(Eatwell girlfie.)
"Ikaw talaga. Sige." Pinatay ko na yung call. Si Quen naman kasi, bigla na naman nanggaganun, girlfie daw. Nakokonsensya ako eh.
Simula nung marealize ko lahat ng nangyari, nakonsensya ako sa ginawa ko. Para kasi ang lumabas, ginawa kong rebound si Quen. Pagbalikbaliktarin man, alam kong medyo naging ganun nga ung ginawa ko. Pero totoo, minahal ko talaga si Quen. Sadyang mas mahal ko lang talaga sa Bry. Pwede naman magmahal ng sabay diba? Pero may hihigit talaga na isa, at kailangan isa lang rin ang pipiliin mo.
"Let's eat?"
"Ha? Ay."
"Spacing out again. Tara na." Tapos tumayo na ako at dumiretso sa dinning table.
"Si Shay?" Tanong ko kay Bry. "SHAY! DINNER!"
"Umalis si Shay." Ha?
"Di nagpaalam? Ay lintek. San naman nagpunta ang bruha."
BINABASA MO ANG
Don't mess with me, Bitch [✓Completed]
Teen FictionPeste! Bitter ka?! Pwes ako rin! At gagawin ko mapasakin lang uli SIYA. Mabansagan mang KONTRABIDA. Psh.