UNO
Angel's POV.
"Ano ba! Tabi nga!"
"Ay sorry po."
'Badtrip nanaman siya.'
'Bat kaya?'
'Nagtanong ka pa, edi malamang dahil kay Le---'
"ANO BA?! DI BA KAYO TATAHIMIK?!"
Peste! Araw araw nalang ganito. Badtrip dito badtrip doon! Kelan ba tatahimik ang buhay ko! Yung hindi ako pinag-uusapan?! Nakakainis na.
Psh. Dahil sa kabadtripan ko, mawawala tuloy sa isip ko na magpakilala. Psh.
Ako nga pala si Angeline Shane Gutierrez. 4th year highschool sa *toot* Academy. Nakakatanga lang yung pangalan ko noh? Angeline, palayaw ko pa nga ANGEL. Pero ugali ko, kasuklam suklam. Dami NA nga may ayaw sakin eh. Pero ano bang pakelam ko sa kanila? Di naman din nila ako masisisi. Pero buti rin naman, may mga nakakaintindi sakin.
Maputi, maganda, sexy, hot, malakas appeal. In short, Diyosa. Mahangin na ba masyado, sensya. Nagsasabi lang nga totoo. Lol.
Yun nga, aside sa pagiging DIYOSA, mabait, matalino, matulungin, friendly, laging nakasmile, palatawa ako, NOON. Kasi ngayon, iba na. IBANG IBA.
NAGBAGO LAHAT. Di na ako mabait. Napabayaan ko na studies ko. Di na ako matulungin. Palaaway na ako. Laging nakasimangot. Palasigaw.
Isa lang ang hindi nagbago sakin. Yun yung pagiging...
DIYOSA KO. ^_____^v
"Sorry Miss Angel." Psh. Badtrip uli.
Umalis nalang ako sa upuan ko kasi wala rin namang maitutulong sakin yun sa pagpapawala ng badtrip ko. Peste!
Uhh. Fresh ai---
"Langya! Kala ko fresh air dito! Bat biglang bumaho? Makaalis nga!" Iritang irita kong sabi sa sarili ko, pero may pinariringan ako. At, ofcourse, ang diyosang si ako ang panalo. Di mo maipinta mukha niya kanina eh.
SINO?
Sino pa ba?! Edi si Lian Amy Bautista! Ay nako! Sinusumpa ko yang pangalan na yan! Pati siya! Sarap niyang ipako patiwarik! Hehe. Matry nga minsan ^___^v
Umalis nanaman ako dun sa may corridor at pumunta sa may playground. Tambayan nami-- ko pala ito eh. Dito ako palagi pag badtrip ako. Wala lang. Kasi, ang ganda ng ambiance dito eh.
BINABASA MO ANG
Don't mess with me, Bitch [✓Completed]
Teen FictionPeste! Bitter ka?! Pwes ako rin! At gagawin ko mapasakin lang uli SIYA. Mabansagan mang KONTRABIDA. Psh.