Twenty-five

6.5K 85 1
                                    

Aki's Note: Basahin niyo hanggang dulo. BAKIT? Wala lang. Natural hanggang dulo, alangan naman hanggang gitna lang kayo. HANEP. 

De joke lang. =)) Baliw lang talaga ako. <3 Hahaha!

============================================================================

Twenty-five

 

Quen's POV

"Sorry Kuya, but we're even" Narinig kong sabi ni Lian. Agad kong naiyukom ang kamay ko. Pinipigilan ko na masaktan si Lian. Kahit papano, may respeto pa naman ako sa mga babae. Pero sinasabi ko, kapag sumobra na siya, di niya magugustuhan ang gagawin ko.

Hinila ko siya.

"Aray! Kuya! Masakit!"

"Bro." Sabi ni Bry

"PWEDE BA? WAG KANG MAKIALAM!" Sabi ko kay Bry sabay alis na habang hinihila ko si Lian.

"Kuyaaa! Ouch!" Sabi niya nang bitiwan ko na ang kamay niya. Napadpad kami sa mas malayo pa sa kanina. Di ko na alam kung saan to.

"KUYA?! For Pete's sake! Hindi tayo magkadugo! Then you still have the nerve to call me KUYA?! Gago!"

"Grabe ka naman." Mahina niyang sabi.

"Ano bang gusto mong mangyari?" Pinipilit kong maging kalmado, kasi ayaw kong manakit.

"Ano ba yang sinasabi mong we're even?!"

"ANO BA?! Hindi mo parin ba naiintindihan? Bat ganyan ka! Bat kinalimutan mo?! Bat gusto mo ikaw nalang lagi ung masaya?! Sabihin mo! TALAGA BANG HINDI MONG ALAM?! KASI AKO.. Ako.. Hinding hindi ko makakalimutan."

Napaisip ako. Ano ba ang ginawa ko sakanya bakit siya galit sakin.

"Hindi mo pa rin ba maalala? Ha? KUYA?!" Tangnang 'kuya' na yan. Di ba matatapos yan?!

Maya maya may naalala ako.

"Ha. Yun parin ba ang ipinuputok ng butsi mo?" Napangisi ako.

"Kuyaaaa!"

"Tangna! Tigilan mo nga yang pagtawag sakin ng kuya! Nakakarindi!"

"Eh! Bwisit ka! Pero whatever! Atleast we're even na!"

"Di ka parin ba makaget-over?" Bigla naman siyang nagseryoso.

"No. Look, hindi ko gagawin yung kanina kung nakaget over na ako. Pero diba? Halata naman na ginawa ko yun kasi di pa ako nakakalimot. Wag tanga tangahan Kuya. At kung itatanong mo kung bakit? Simple. Ginawa ko yun para patas na tayo. Tinanggal mo sakin ung reason kung bakit ako nagiging masaya, ngayon, sayo ko naman ginawa yun. Di ba masakit? Ung feeling na galit sayo yung taong mahal mo? Ano? Ramdam mo na? Well, ganyan din naramdaman ko dati. Si Chael (kel) alam mo noon na mahal na mahal ko siya. Then bigla ka nalang papasok sa picture! Sasabihin mo na may sakit ako! Oh anong nangyari?! INIWAN NIYA AKO KUYA! PINANDIRIHAN NIYA AKO! DI NGA NIYA ALAM YUNG SAKIT KO PERO WALA! PINANDIRIHAN NIYA AKO! Alam mo yon?! Masaya kami eh noon eh! Edi sana kung hindi ka nakisawsaw, edi sana nananahimik ako! Sana hindi ko rin kayo ginugulo ni Angel! Pero pasalamat ka sakin. Kasi nang dahil sakin, naging kayo ni Angel. Pero wala eh. Di ko alam na ito rin pala matatanggap ko."

Don't mess with me, Bitch [✓Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon