Chapter 2

0 0 0
                                    

Alas 12:00, tanghali ng Huwebes at patungo kami sa 4th floor ng junior high school building para puntahan ang kapatid ni Nyene.

Nasa hagdanan kami habang naglalakad at nag-uusap sa nangyari sa klase namin. Nang may napansin akong may nakasunod sa amin.

Sa oras na yun, walang tao sa buong building dahil walang klase ang junior high pero nag pra-practice ang mga Grade 10 sa kanilang preformance task sa 4th floor ng building.

Isinawalang bahala ko ang napansin na taong naka sunod sa amin. At pinagpatuloy ang paglalakad namin.

Nakuha ang pansin ko sa isang itim na pusang dumaan at papasok sa science lab. Nakabukas kasi ang bintana at bawal  na may makapasok dahil baka mabasag ang mga gamit sa loob.

Kaya sinundan ko ang pusa para alisin ito, naiwan si Nyene sa corridor, naghihintay sa akin dahil nakita din niya ang pusang pumasok.

Pagkapasok ko, sinundan ko ang pusa hanggang sa dulo ng room. Sumiksik siya sa gilid ng pader, pinasan ko ito at dinala sa labas.

Pagkalabas ko, nagtaka ako kung bakit wala na si Nyene sa labas. Nagulat ako ng sumigaw si Luce na naka dungas sa ibaba sa may hagdanan.

                    BintangWhere stories live. Discover now