Chapter 11

0 0 0
                                    

"Ako ang tumulak ni Nyene!"

Nagulat ako sa sumigaw at humawak sa akin.

Napatingin ako kung sino ito at nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi ko inakala na siya pala ang tumulak kay Nyene...

Si Gemini..

Napatigil din si Luce sa narinig. Nabitawan ako ni Luce kaya hindi na natuloy ang paghulog ko dahil hinila ako ni Gemini para hindi ako mahulog.

Windang kami ni Luce habang naka tingin kay Gemini nang nagsimula na itong umiyak.

"Tinulak ko si kuya para mabintangan si Luce na siya ang tumulak kay kuya! Para mawala na si Luce sa buhay ni kuya!" hindi kami nakasagot sa mabilis na pagsasalita ni Gemini.

Hindi ko inakala na siya pala.
Ang isang taong naniniwala sa akin, kaya pala naniniwala siya sa akin dahil alam niya kung sino ang tunay na salarin at walang iba kundi siya.

"Dahil palaging namomroblema si kuya na palaging may nakasunod sa kanya, nakatingin, at hindi siya komportable dahil dun. Gusto ko lang na masaya siya at walang prinoproblema dahil marami na siyang pinagdadaanan sa buhay! Alam mo yun! Dahil wala siyang lakas na patigilin ka dahil sa impluwensuya mo! Gusto niyang maging tahimik lang ang buhay niya!" Sigaw niya.

Nagsimula akong umiyak ng tahimik dahil sa awa sa sarili, kay Gemini, Kay Luce at kay Nyene.

Hindi ako makapaniwala na nangyari ito sa amin. Nagkakasakitan lang kami dito.

Habang tulala lang si Luce, humahagulgol naman si Gemini.

"Naisip ko na gawin yun ni kuya para isang sakit lang, para hindi na siya masasaktan sa kasalukuyan dahil lang kay Luce!"sigaw niya at dinuro si Luce.

"Sumugal ako para lang mawala ka!" mas lumakas ang iyak niya.

                    BintangWhere stories live. Discover now