Chapter 7

0 0 0
                                    

Napatingin ako sa taong naglalakad patungo sa akin.

Nakilala ko ang taong papalapit sa akin. Si Gemini, kapatid ni Nyene.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ok ka lang?" tanong niya sa akin.

"Oo nalang" sagot ko naman.

"Alam mo ate, naniniwala ako sa iyo" biglang sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na meron palang maniniwala sa akin, tapos kapatid pa niya.

Medyo close si Nyene at si Gemini kahit anak sa labas si Gemini.

Mas matanda lang si Nyene ng 1 taon ata.

"Salamat" ani ko.

"Hindi sana ito mangyayari sa inyo kung hindi lang sa isang tao" sabi niya.

Hindi ako sumagot. Wala akong ganang makipag usap tungkol sa nangyari.

"Kung hindi lang sana siya nakialam, baka ok tayong lahat" nakinig lang ako sa kanya.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Nagtataka ako kung bakit pa siya nandito, halos mag alas 9 na ng gabi.

"Hindi pa kami tapos sa ginagawa namin, papauwi na din naman ako, at tsaka ayaw kong umuwi sa bahay, ayaw ko ng maraming tanong" tumango tango nalang alo sa sinabi niya.

"O siya, aalis na ako ate" tumango lang ako bilang pagpapaalam.

                    BintangWhere stories live. Discover now