Epilogue

0 0 0
                                    


Nakatingin lang ako sa taong nakahiga at nakapikit habang ang tanging ang madidinig ko lamang ay ang tunog ng makinang tanging bumubuhay sa kanya.

Napabalik lang ako sa huwisyo ng pumasok ang nga magulang ni Nyene.

"Nandito ka na pala hija." Ani ng mama ni Nyene sa akin.

"Oo po tita, kanina lang po ako nandito." Sagot ko naman

"Kumusta ka na hija? Hindi ka ba nahihirapang matulog? Dulot ng mga pangyayari?" Tanong ni tita sa akin.

"Ok lang naman po, napapatawad ko na naman sila sa lahat ng nangyayari" sagot ko.

"Ano nga ulit yung pangalan mo hija? Hindi ka kasi kinukwento ni Nyene" tanong ni tita.

"LUCE po tita" sabay ngisi ko ng may halong malisya.

Tumatango tango si tita nang madinig yung pangalan ko.

Nakatingin siya kay Nyene nang lumaki yung mga mata niya.

Kaya dali dali akong lumingon kay Nyene nang nakita kung dahan dahang bumukas yung mga mata niya, kaya nanlalaki din ang mga mata ko sa gulat at tuwa.

Makalipas ang isang oras, nakaupo na ngayon si Nyene, hindi pa siya nagsasalita. Kaya hinintay namin ni tita na magsalita siya.

"Nasaan si Daysha?" tanong niya sa amin. Kinabahan ako sa tanong niya.

Nakatingin siya sa akin ng pagtataka kung bakit ako nandito. Napangiti ako ng mapait.

"Ahh may nilakad lang, baka pupunta ito sa makalilipas na araw" sagot ko sa kanya.

Nakatingin lang si Nyene sa akin, hindi ko mawari kung naniniwala ba siya sa sinabi ko o hindi.

Napatingin naman si tita sa akin ng pagkagulat, tinignan ko lang siya ng makahulugan.

"Nasaan si Gemini?" hindi na ako nagulat sa kanyang tanong. Nag isip isip ako kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko sana sabihin ang totoo nang nagsalita si tita.

"Ilang linggo na siyang hindi na nakikita, anak. Simula nung nangyari ang insidente" sagot ni tita.

Tumango lang na may pagkaunawa si Nyene.

Baka akala ni Nyene na tumakas si Gemini tungkol sa takot na siya ang nag tulak kay Nyene.

Hindi ko alam pero alam kong alam ni Nyene na si Gemini ang nagtulak sa kanya, kaya nagtataka ako kung bakit hindi siya galit o histerikal.

"Buti nga nandito sa Luce sa tabi mo habang natutulog ka pa, alam mo ba na nandito si Luce araw araw at binantayan ka kahit maraming nangyari sa inyo?" Napatingin si Nyene sa akin.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Hindi mo naman ako kailangang bantayan" tanong niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya, dahil hindi niya parin ako naikita bilang isang babaeng mamahalin niya.

"Ah-" sasagot sana ako ng makarinig ng malakas tunog ng biglang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Nyene.

At nanlalaki ang mga mata ko at napatayo sa nakita kong pumasok.

Si Gemini at may kasamang mga pulis.

Nagulat din si Nyene sa nakita lalo na si tita.

"Gemini" nausal ni Nyene..

"Ang kapal ng mukha mong pumasok dito sa kwarto ni kuya ha!" Sigaw ni Gemini sa akin.

"Pagkatapos mong patayin si ate Daysha?!" At biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.

Namutla ang mukha ko at nanginginig ang mga kamay ko.

Gulat na napalingon si tita sa akin, bigo, at galit ang tingin niya sa akin. Alam kong napapalapit si Daysha kay tita.

Hindi inakala ni tita na namatay si Daysha, sinabi ko kasi sa kanya na pumunta ng probinsiya si Daysha dahil sa trauma ng nangyari.

At ngayong alam na niya ang katotohanan, tiyak na ito ang huling pag uusap namin ng hindi siya galit sa akin.

Napalingon kami ni Nyene ng bigla siyang nahihirapang huminga habang umiiyak. Natakot si tita kaya tinawag niya ang doktor habang hinila ako ng mga pulis palabas.

At ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang aking minamahal...


Nyene's POV

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nadinig ko simula ng gumising ako sa mahabang pagkatulog.

Hindi ko matanggap na wala na si Daysha. Nalaman ko din na siya ang pinagbibintangan na siya ang tumulak sa akin at nalaman ko ding walang kumampi sa kanya kahit pamilya niya.

Nalaman ko yung lahat galing kay Gemini.

Hindi ko pa matanggap na siya ang tumulak sa akin, ang mismong kapatid ko.

Nakatayo ako sa harap ng kanyang burol habang nakatitig sa nakukit niyang pangalan sa lapida.

Hindi ko matanggap na nawala siya sa akin.

Sinsisi ko ang aking sarili sa lahat ng nangyari, kay Daysha, kay Gemini at kay Luce.

Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.

Masaya lang ako na napatunayang inosente siya sa lahat ng nangyari, alam na ng lahat kung sino ang tunay na salarin dahil na rin nagsabi si Gemini ng totoo.

Naisip ni Gemini na ito ang ikabayad niya sa lahat ng nangyari, ang katotohanan at ang pagkalinis ng pangalan ni Daysha.

At nakita ko kung paano nag sisi ang mga taong nasa paligid ni Daysha.

Kung hindi lang sana sila nakinig sa mga salita ng tao. Sana pinagsalita nila muna si Daysha bago humusga.

Sa huli ang pagsisisi.

Tumalikod na ako pagkatapos kong hinaplos ang lapida niya bago umalis sa lugar habang sumumpa na siya lang ang tanging babaeng mamahalin ko sa buhay.

Hindi ako magmahal ng iba, kundi siya lang...

                    BintangWhere stories live. Discover now