Chapter 9

0 0 0
                                    

Gemini's POV

Naglakad lakad ako sa corridor sa junior high building ng nakarinig ako ng yapak ng paa.

Kaya lumapit ako sa ingay at patagong tinignan kung sino yun. Hindi na ako nagulat ng nakita ko si ate Daysha.

Noon pa, alam kong may gusto si kuya Nyene kay Daysha, hindi ko lang alam kung gusto ba din ni Daysha si kuya.

Kaso may umaaligid na langaw sa kanilang dalawa.

Nakita ko ang papalapit din na si Luce. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan sila.

Hindi nila alam na vinivideohan ko ang nangyari sa kanila.

Daysha's POV

"Tinulak mo siya!" Sigaw niya sa akin.

"Hindi ako ang tumulak sa kanya! Bakit mo ba ako pinagbibintangan ha?!" Galit na rin ako. Pagod na akong ipagtanggol ang sarili ko, tapos walang makikinig.

"Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na ako ang tumulak sa kanya! Sa unang una pa lamang, nakita mo ba na tinulak ko siya?! Ha! At in the first place bakit ka nandito  ha?!" naghihintay lang ako kung kailan siya aamin.

"Naka sunod ako sa kanya! Hindi ako panatag kapag magkasama kayong dalawa! At ikaw ang huli niyang kasama bago siya nahulog!" hindi ko alam kung obssesed ba siya  o ano, baka nababaliw na siya.

"Edi sana hindi mo ako pinagbintangan kung hindi mo pala nakita na tinulak ko siya!" Ani ko.

"Anong gagawin ko! Alam kong ako ang pagbintangan mo kung hindi ko yung ginawa!" Hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

"Malamang! Ikaw ang unang nakakita sa kanya diba? Sino pa ba ang nagtulak sa kanya kundi ikaw!" Pagod na ako, gusto ko nang matapos ito.

"Ngayon pinagbintangan mo ako!? Mahal ko siya! Hindi ko yun magagawa sa kanya!" Sigaw niya. Gigil gigil na yung mukha niya.

"Dahil baliw ka!" Sinigaw ko na para matapos na.

At hindi ako nagulat nung sumugod siya sa akin.

Hinila niya ako at sinakal.

Sinandal niya ako sa pader habang sigaw pa rin siya ng sigaw.

Baka nabaliw na talaga siya dahil sumisigaw siya ng hindi ako baliw.

Pinigilan ko ang kanyang kamay dahil nahihirapan na akong huminga.

Nang hinila niya ako, at sinubukang itulak ako sa balkonahe. Natakot ako dun kaya sumigaw ako. Pero ginawa ko ang makakaya ko na pigilan ang katawan kong mahulog habang sinasaktan ko yung kamay niya para matanggal ang hawak niya sa akin.

Nang mas lumakas siya at tinulak ako.

Mahulog na sana ako ng may kamayng biglang pumigil sa bewang ko.

Nagulat ako ng makitang sino ito.

"Ako ang tumulak ni Nyene!"
Sabi ng taong pumigil sa akin sa pagkahulog.

                    BintangWhere stories live. Discover now