Chapter 4

0 0 0
                                    


Gulat na gulat ako sa sinabi ni Luce. Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi, kung bakit niya ako pinagbintangan.

Pagkalipas ng pagkakatulala ko, bigla kong nasigaw ang
"Hindi ako ang tumulak kay Nyene!"

Pero walang nakinig sa akin.

Pinapunta ako sa guidance counselor ng school para questionin sa nangyari.

Pagkatapos ako questionin, lumabas na ako at nakita ko si Luce na nakangisi sa akin.

Uminit bigla yung ulo ko. Kaya dali dali akong lumapit sa kanya at sinigawan siya.

"Hoy! Bakit mo yun nasabi ha! Nakita mo ba akong tinulak si Nyene?!" galit na galit ako.

Gusto ko siyang sabunutan sa gigil.

Nakangisi pa rin siya sa akin.

"Tapos na. Nangyari na. Ano pang magagawa mo? Ikaw na ang suspect sa pagka coma ni Nyene" sabi niya.

Nagulat ako sa nadinig.

Coma?

                    BintangWhere stories live. Discover now