"Na coma siya?" takot na tanong ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas.
"Hahhahaahhah!" Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng ulo o ano.
Pinigilan ko ang sariling sagutin siya.
Umalis ako sa harapan niya, kahit patuloy siyang tumatawa.
Hindi ako pinapapunta sa ospital kahit gusto kung makita si Nyene kung ano na ang kondisyon niya.
Nung umuwi ako, hindi ko inakala na nalaman nila mama at papa yung nangyari.
Nagulat ako nang pumasok ako sa bahay, bigla akong sinalubong ng..
*Ppppaaakkkk*
Ng sampal...
Nagulat ako. Hindi ko inakala na sampalin ako bago pa ako nakapag salita ng kung ano.
"Mamatay tao ka! Hindi ko inakala na magagawa mo iyan!
Pinalaki ba kitang maging ganyan? Alam mo ba kung anong kahihiyaan ang dinala mo sa pamilya natin?"Hindi ako sumagot.
YOU ARE READING
Bintang
Kort verhaalNabintangan si Daysha na siya ang nagtulak ni Nyene na kanyang bestfriend. Paano kaya niya malusutan ito. Ano kaya ang kanyang gagawin para maipakita niya na inosente siya? #shortstory