Chapter 12

0 0 0
                                    

"Bakit mo yun kinaya? Sa kuya mo pa?" tanong ko.

"Kay bata bata mo pa? Hindi ka na sana nakialam sa mga nakakatanda!" Sigaw ni Luce

Nagulat ako ng sumigaw bigla si Luce.

Hindi na ako nagsalita, kasi kahit anong gagawin ko, tapos na, nangyari na.

"Patawad ate dahil ikaw ang nabintangan, hindi si ate Luce" nakatingin siya sa akin.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumugod si Luce kay Gemini.

Sinampal niya ito at sinabunutan.

"Hipokrita ka!" Galit na sigaw ni Luce kay Gemini.

Dali dali akong lumapit sa kanila at saka pinigilan sila sa pag aaway.

Gumanti din si Gemini sa pagkasabunot.

Kaya nahirapan akong pigilan sila sa pag-aaway.

Natakot ako dahil lumalapit na sila sa balkonahe, kaya sumigaw na ako para pigilan sila.

"Tigilan niyo na yan!" Niyakap ko na si Gemini para patigilin na sila sa away.

Nang biglang tinulak ni Luce si Gemini kaya napaatras si Gemini at napasandal sa balkonahe na hanggang bewang lang.

Sumigaw na ako sa takot dahil muntik na akong mahulog.

"Tigilan niyo na yan! Ano ba!?" pero hindi sila tumigil sa pag-aaway, hindi nila ako madinig dahil sa pagsisigaw  nila.

"Mahal ko si Nyene, ginawa ko na nga ang lahat para walang ibang lumapit sa kanya! Pero ginanyan mo siya! Walang hiya ka! Kapatid mo pa siya! Demonyo ka!!!" nakaririndi ang sigaw ni Luce.

Nang mas lumakas ang pagkatulak ni Luce, mas malakas ang pagkatulak ni Luce kaya muntik nang mahulog si Gemini nang hinila ko siya. Nang nakatapak na siya sa sahig, may biglang malakas na pwersa na sanhi ng pagkahulog ko.

Ang narinig ko lang ay ang pagsigaw ko. At parang wala lang akong naramdan, nakatulala lang ako, hanggang sa naramdaman ko lang na nahulog na ang katawan ko sa lupa.

Tumulo ang pinakaguling luha ko hanggang sa pumikit na ang mga mata ko at dumilim ang buong mundo ko .

                    BintangWhere stories live. Discover now