Chapter 8

0 0 0
                                    

Naiwan naman akong mag-isa sa kagubatan.

Maya maya nakita ko ang papalapit na pusa, yung pusa kanina, bago pa nangyari ang insidente.

Nakatingin ito sa akin na parang may sasabihin. Kaya tumayo ako at sumunod sa kanya.

Pumunta ang pusa sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Natagtaka ako kung bakit parang meron siyang hinahanap sa lugar kung saan nahulog si Nyene.

Kaya tumingin tingin din ako sa gilid gilid baka may naiwan na bakas o ebidensiya.

Yumuyuko ako hanggang aa nahagip ng mata ko ang isang maliit na kinang, kaya lumapit ako at kinuha kung ano ito.

Nagulat ako ng isa itong kuwintas.

Tinignan ko kung anong naka ukit dito, nakita kong ito ay may katagang G&N.

Hindi ko alam pero parang pamilyar ito sa akin, hindi ko lang alam kung saan o kailan ko ito nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako ng may nagsalita.
Dali dali kong nilingon kung sino ang nag salita at laking gulat ko ng makita si Luce.

Tumayo ako at hinarap siya sabay tago ng kuwintas sa blusa ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam pero paramg masaya siya, nakangiti kasi siya sa akin.

"Wala lang nagmamasid masid lang" sabay lapit niya sa balkonahe at dumungaw.

Kaya meron akong pagkakataon patagong kinuha ang cellphone ko at nirecord ang pag uusap namin.

Ang plano ko ay kausapin siya hanggang sa umamin siya na siya ang nag tulak kay Nyene.

"Alam mo ba, matagal ko nang kilala si Nyene, simula bata pa, kilala ko na siya. Kaya palagi akong lumalapit sa kanya para makipagkaibigan."
Kwento niya.

Hindi ko alam kung ano ang plano niya kung bakit siya nag sto story telling sa nakaraan nilang dalawa.

"Kaso, hindi niya ako pinansin, akala ko ok lang basta nasa likod niya ako palagi, nakasunod, nagbabantay sa kanya."

Habang tumitingin siya sa kalawakan, dahan dahan akong lumapit sa kanya para mas madinig yung boses niya at makuha nang cellphone ko ang pinagsasabi niya.

Kailangan ko ito para ebidensiya ko na hindi ako ang nagtulak kay Nyene.

At nakita ko siyang nakangiti pa rin habang nagkukuwento.

Nang bigla siyang lumingon sa akin.

"Pero isang araw dumating ka at naging close kayo sa isa't- isa. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para gustuhin ka niyang maging kaibigan niya!"

Nagulat ako sa rebelasyon niya, at kahit gulat ako sa sinabi niya hindi ko parin nakalimutan ang plano ko.

"Kaya mo siya tinulak para mawala siya sa akin? Ganun?" Tanong ko sa kanya.

Pilit kong pinakalma ang sarili dahil walang magagawa kung galit ako.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw ng

"Tinulak mo siya!"

                    BintangWhere stories live. Discover now