Chapter 1
Have It All
"Wala ka na bang magandang scoop na makukuha?! Puro basura itong mga ibinigay mo sa akin!" galit na sigaw ng boss ko. Itinapon niya sa sahig ang mga balitang nakuha ko para mailagay sa diyaryo. Isa akong journalist at mukhang ito na ang huling araw ko sa trabaho. "I want scoops about the phantom! Not these pieces of crap!"
"P-Pwede niyo po ba akong bigyan ng isa pang chance? Pangako mas gagalingan ko pa at maghahanap ng mas magandang scoop."
I really really like this job. Madami na din akong kaibigan dito. Noon pa lang, pangarap ko nang makapasok dito sa ANC tapos matatapos lang ng ganito? All because of my incompetency? Alam kong medyo nagpabaya ako pero paano ako magsusulat ng balita tungkol sa isang taong wala akong kahit kaunting matibay na impormasyon tungkol sa kanya? I'm talking about Snow White, alright. Kung gaano kaharmless pakinggan ng tawag sa kanya, kabaliktaran naman nun ang tunay na ginagawa niya.
He's a beast. A terrible and merciless beast at that! Pumapatay siya ng mga inosenteng tao para maibsan ang gutom niya. As much as I don't want to believe it, vampires are true and he's a living evidence of them! Walang maniwala noong unang mangyari ang pagpatay simula nang dumami na nang dumami ang namamatay at maraming nagsasabi na nakita nila ang nilalang na tinatawag ng marami ngayong Snow White dahil sa puti ng kanyang balat. Puro usap-usapan pero walang makapagpatunay kung sino ba talaga siya at kung bakit siya pumapatay ng walang awa. Wala ding makakuha man lang ng litrato niya dahil mabilis siyang nawawala. Kung meron man, puro blurred ang pictures.
Sumubsob ako sa aking desk at ginulo-gulo ang aking buhok. I'm dead. So so so dead. Napangiwi ako nang maalala ko ang sinabi sa 'kin ni Boss Gabby kanina.
"Last chance mo na ito, Erza Dela Cruz, bibigyan kita ng tatlong buwan. Quite long, right? Dahil alam kong may potential ka pero talagang nadisappoint ako sa trabaho mo this past few days," Sumandal siya sa kanyang swivel chair at pinagsalikop ang kanyang mga daliri. "I want you to focus on Snow White's case. Gather all information that you can gather. Gusto ko din ng high definition picture before or after the attack. Gawin mo ang lahat mahalungkat lang ang sekreto ng bampirang iyon dahil iyon ang magpapaangat sa ating kompanya at maging sa 'yo."
"B-But Boss Gabby, three months? Ilang taon na siyang pumapatay pero wala pa ding nakakaalam tungkol sa kanya--"
"Nagrereklamo ka ba? Kung ayaw mo, madali lang para sa 'king sesantehin ka."
Inuntog-untog ko ang aking ulo sa lamesa. "Anong gagawin ko ngayon?"
"Hoy! Maawa ka naman sa lamesa, baka mabiak kakauntog mo!" Narinig ko ang nakakairitang halakhak ni Carla sa aking likod kung nasaan ang lamesa niya.
Tumunghay ako. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero nginisian niya lang ako. "Carla, malaki ang problema ko ngayon." Ngumuso ako.
Inilapit niya ang kanyang upuan sa 'kin. "Alam ko, 'no! In fact, alam naming lahat dito! Dinig na dinig kaya dito ang boses ni Boss Gabby! Nakakatakot!"
Itinampal ko ang aking palad sa aking mukha. "Kung ganoon, narinig mo din ang project niya para sa 'kin?" Hindi na naman sumisigaw si Boss Gabby nun kaya imposibleng pati 'yon ay narinig nila.
May kinuha siya sa kanyang drawer. Ipinakita niya ang isang stetoscope habang nakangisi. "Syempre narinig ko. Ako pa!"
Sumilip sina Rowell, Kiko at Hazel sa aming cubicle. Sila ang pinakamalapit sa 'kin dito kasama si Carla.
"Good luck sa Snow White project mo, Erza. Isipin mo na lang gagawa ka ng book report tungkol sa isang fairy tale." Inilagay ni Kiko ang hintuturo niya sa kanyang tainga at kinalikot ito.
BINABASA MO ANG
Snow White is a Man
Vampire{Vampire Tales #1} He was born in an ugly world. He grew up as if he's Grim Reaper's right hand. At the early age, he killed many people. He tainted his life with blood. Killing is his happiness. Blood is his life. Death is his only companion. Behin...