Chapter 15

4K 229 38
                                    

Chapter 15

Sick

I thought sleeping would help but I woke up with my fever getting worse. This time, no matter what I do, I couldn't move my body. My head was pounding like crazy.

Bakit ngayon pa ako nagkasakit? Hindi naman ako sakitin. Malakas ang resistensya ko. Kung sisipunin o uubuhin man ako ay hindi ito nalagpas ng tatlong araw. Isa o dalawang beses lang akong lagnatin sa isang taon at hindi rin ito lumalala. Kung kailan walang mag-aalaga sa  'kin, saka naman ako nagkaganito.

Nadinig ko ang pagbukas ng pinto. Hinsi ko na kailangan pang tingnan kung sino ang pumasok dahil dalawa lang naman kami rito sa bahay.

Snow White stood beside my bed with a tray on his hand. I could see the smoke coming from the bowl. There was an apple beside it and a glass of orange juice.

Wala na akong lakas para magalit at magmatigas pa. Hindi ko na rin naman maibuka ang aking bibig dahil tuyong-tuyo na ito. Hinayaan ko na lang siya na ipatong ang tray sa bedside table.

"Like I said before, I don't want a dead body in my house," sabi niya na para bang ipinapaliwanag niya ang sarili niya kung bakit dinalahan niya ako ng pagkain.

Umirap na lang ako sa kawalan. Pinilit kong bumangon para kahit papaano ay makasandal ako sa headboard ng kama.

Kinuha niyang muli ang tray at ipinatong sa 'king hita. Looking down, I smelled a delicious scent coming from the bowl. It was porridge with tofu, spring onions and strips of boiled egg on top.

"You made this?" A small smile escaped from my lips. I covered it using the back of my hand. Imagining Snow White wearing an apron while cooking was really amusing.

"You think I have a choice?" pabalang na tanong din niya sa 'kin.

Inirapan ko na lang siya kaysa makipagtalo pa. Baka mas lalong lumala ang sakit kung makipag-away pa ako sa kanya.

Kinuha ko ang kutsara. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ito. Sinubukan kong sumandok ngunit natatapon lang ang laman nito pabalik sa bowl. Ilang beses ko itong sinubukan pero gano'n pa rin ang nangyayari. I'm hopelessly weak!

I heard Snow White clicked his tongue obviously in annoyance. "Akin na nga." Kinuha niya mula sa 'king kamay ang kutsura. He took a spoonful of the porridge and brought it near my lips.

Matagal akong natulala sa kanyang mukha. Nag-init ang aking pisngi sa binabalak niyang gawin. He'll gonna feed me! Wala na bang mas nakakahiya pa rito?

"What are you waiting for?" iritadong tanong niya.

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Nahihiya man, tinanggap ko ito lahat kahit na pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan. Kapag may tumutulo sa ibaba ng aking labi ay pinupunasan niya ito gamit ang kanyang hinlalaki.

His touches were surprisingly soft and gentle. It sent an unfamiliar warmth through my heart.

Nang maubos na ay kinuha ko ang isang baso ng orange juice. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay. Hinawakan niya ang aking kamay para gabayan ito ngunit bahagya pa ring natapon ang juice sa 'king damit.

Tumayo siya at kinuha ang baso mula sa 'king kamay. Inilapag niya ito sa bedside table.

Hinawakan niya ang aking mga pisngi gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay hawak ang gamot. Kumunot ang aking noo nang ilagay niya ito sa kanyang bibig. Sunod niyang kinuha ang baso ng orange juice at uminom dito hanggang sa ito ay mangalahati.

My eyes widened when he bent down. I got dizzy by the sudden closeness and I got even more dizzy when his lips suddenly touched mine.

He coaxed my lips open by pressing my cheeks softly. I couldn't do anything but to open my mouth and let the liquid and medicine inside. He's transferring them by kissing me.

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon