Chapter 5
Don't Blink
Hindi ako matatakuting tao. Kahit na ipanood sa 'kin ang iba't-ibang klase ng horror movies, gores, o kung anomang madalas na nagdadala ng takot sa mga tao, hinding-hindi pa rin ako natatakot. Unang-una, hindi ako naniniwala sa multo. Pangalawa, journalist ako. Pinili ko ang propesyon na 'to dahil malakas ang loob ko sa lahat ng bagay na pwede kong harapin. Pangatlo, I liked the thrill. I liked the chills that I get every time I found a scoop that will definitely loved by the mass. I liked the satisfaction I feel whenever our paper was getting popular every issues.
Ngunit sa pagkakataong 'to, abot-langit ang takot na nararamdaman ko. Ni hindi ko maigalaw ang buo kong katawan sa sobrang takot ko sa kanya. Ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig ay mas malamig pa sa yelo na para bang bumalot sa buo kong katawan na nagpanginig sa akin.
Tinitigan ko si Snow White. Kulay asul ang mga mata nito na parang sa dagat. Mapula at malaman ang mga labi nito. Ang kanyang balat ay mas lalong maputi sa malapitan. Ang tangkad nito ay sa palagay ko'y umaabot ng anim na talampakan o mahigit pa. If he's not covering his face with a mask, he's probably good-looking. Well, kalian ba naging panget ang mga bampira? Even in movies, they're good-looking.
Kumabog ng mabilis ang aking puso nang humakbang siya palapit sa 'kin. Nanginginig ang aking buong katawan. Hindi ko magawang tumayo at tumakbo paalis.
Erza! Think! Mamamatay ka kapag hindi ka umalis dyan!
Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at sa pagmulat ko'y isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. He looked down on me like I'm just an eyesore. Para bang ang tingin niya sa 'kin ay isang walang kwentang bagay na hindi niya dapat pinagtutuunan ng pansin.
"I said get out of my way." He said coldly. "Are you f*cking deaf?"
Napalunok ako nang magsalita siya. Dahan-dahan akong umatras palayo sa kanya ngunit hindi ko pa rin magawang tumayo. Nanglalambot ang aking mga tuhod sa takot ko sa kanya. Baka kapag tumayo ako ay mapagaya ako sa journalist ng ANC. Napahawak ako sa aking leeg. Ayoko pang mamatay.
Umaatras ako palayo sa kanya ngunit nagsimula naman siyang maglakad palapit sa 'kin.
"A-ano ba'ng kailangan mo?" I managed to speak ngunit nanginginig pati ang boses ko. I need to get a grip. Nandito na lang din ako, bakit hindi ko pa sulitin? Kung mamamatay lang din naman ako dito, might as well take this as an opportunity to know what's he really up to.
Tumigil siya sa paglalakad patungo sa 'kin. Ngumisi siya na siyang nagbigay ng matinding kilabot sa 'kin. "I want to kill them all." Saglit siyang sumulyap sa stage kung saan nakatayo ang mga matataas na opisyal sa lugar na ito.
"W-why? A-anong atraso nila sa 'yo?"
He shook his head. "Tsk. You're asking too much, aren't you? Want me to cut your tongue out?"
I sucked my lips in and looked down. Damn. It's not an empty threat. I can feel he's really going to do it once I asked him again!
"What will I do with you, hopeless human?" He said in a very cold voice. "I hate interacting with you lots."
Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa ibaba. Should I run? If I did he'll surely catch up fast. Baka ilang hakbang lang ay mapugutan na niya ako ng ulo. I couldn't run. I'll die if I do. Should I plead for mercy? Will he let me go if I do that? No. Sigurado akong lahat ng biktima niya ay nagmakaawang 'wag niyang patayin. Ano'ng pinagkaiba ko sa kanila? I won't be an exception for him. Should I distract him? But how?
BINABASA MO ANG
Snow White is a Man
Vampire{Vampire Tales #1} He was born in an ugly world. He grew up as if he's Grim Reaper's right hand. At the early age, he killed many people. He tainted his life with blood. Killing is his happiness. Blood is his life. Death is his only companion. Behin...