Chapter 2

9.3K 462 46
                                    

Chapter 2

Hurt and Wasted

Maaga akong nagising para simulan ang aking trabaho. I checked the time and it's just 3 o'clock in the morning. Masyado akong napepressure sa project na ipinapagawa ni Boss Gabby. Naisip ko, kung tinanggap ko na lang kaya 'yong offer na tulong ni Steffan?

Ipinilig ko ang aking ulo. Tinapik-tapik ko din ang aking pisngi para makapag-isip ako ng maayos. Hindi dapat ako dumepende kay Steffan. Hindi por que mabait siyang tao ay aabusuhin ko na 'yon.

Bumangon ako sa aking kama. Dumeretso ako sa study table ko na ginawa pa para sa 'kin ni Papa noon. Bigla kong namiss si Papa. Simula nang pumanaw siya dahil sa sakit na leukemia, nahirapan kaming bumangon dahil siya ang nagtatrabaho para sa amin. Si Mama naman ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Italy ngayon. Naiwan ako at ang tatlong kong kapatid dito sa bahay.

Binuksan ko ang aking laptop. Hindi naman pinapatay ang Wifi dito dahil madalas ginagamit ni Kuya Earl dahil sa trabaho niya.

Nagsimula akong magresearch tungkol sa mga bampira. I'm never interested in them. Ni hindi ko nga sinubaybayan ang Twilight na sikat na sikat sa mga kabataan. Wala talaga akong interes sa mga supernatural na bagay. Ang mga bagay na ginawa lang ng Diyos ay tao, hayop, mundo at kalawakan. Wala sila doon kaya hindi ako naniniwala sa kanila. Pero dahil sa pagsulpot ni Snow White, nawala lahat ng paniniwala ko.

As a journalist, kailangan kong malaman ang totoo. I don't want to feed the readers with lies. Gagawin ko ang lahat mapatunayan lang kung sino ba talaga si Snow White at mapatunayan na karapat-dapat akong journalist sa ANC.

I heard a knock on my door. Itinigil ko muna ang pagreresearch.

"Come in,"

Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Earl na mukhang wala pang tulog. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata at gulo-gulo ang kanyang buhok. Nakatabangi ang suot niyang salamin.

"Oh? Gising ka na?"

Napataas naman ako ng kilay. "Akala ko alam mong gising ako."

"Hindi. Kumatok ako dahil nagbabaka sakali akong gising ka na. Hihiramin ko 'yong isang keyboard mo."

"Ah," Binuksan ko ang drawer at inilabas ang keyboard na hindi pa nagagamit. "Sira ang keyboard ng laptop mo?"

Lumapit siya sa 'kin. "Yep."

Kinuha na niya ang keyboard. Mabilis din siyang umalis para tapusin ang trabaho niya.

Napailing na lang ako. Hindi na yata natutulog ang isang 'yon. Programmer kasi siya at may ginagawa siyang trabaho. Sinubukan kong panoodin ang mga ginagawa niya, hindi ko talaga naintindihan. Panay codes at kung ano-ano pang errors, syntax at mga bagay na may kinalaman sa coding, compiling at debugging. May mga ipiliwanag siya sa 'kin at 'yon lang ang mga tumatak sa isipan ko.

Tumigil ako sa pagtatrabaho nang mag alas singko na. Aasikasuhin ko pa kasi ang dalawa kong kapatid na sina Ethan, na third year high school ngayon at si Eisha, na Grade 4 naman ngayon.

Una ko munang pinuntahan ang kwarto ni Ethan. Mahirap kasing gisingin ang kolokoy na 'yon. Kahit yata nasusunog na ang bahay tulog pa rin. Si Eisha naman ay narinig ko na ang boses sa salas. Nakikipagkulitan na siya kay Kuya Earl.

"Ethan," Niyugyog ko siya. "Gumising ka na. Papasok ka na sa school."

Umungol siya. "Ate, masama ang pakiramdam ko."

Napairap ako. "'Yan naman palagi ang sinasabi mo sa tuwing ginigising kita, eh."

"Totoo na ngayon, Ate. Masama talaga ang pakiramdam ko."

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon