Chapter 4

6.6K 357 43
                                    

Chapter 4

Death Parade

Isang Linggo na ang nakalipas nang makalabas ako sa ospital. Balik na ulit sa normal ang dati maliban sa part na tuloy pa rin ang pagpatay ni Snow White. Kinilabutan ako. Naiisip ko pa lang siya, natatakot na ako. Nung gabing nalasing ako, akala ko talaga ay 'yun na ang huling gabi ko sa mundo pero laking pasalamat ko sa Diyos na nakaligtas ako. Ngunit nangyari man sa 'kin 'yon, may isang advantage akong natamo. 'Yon ay ang malaman ko na lalake si Snow White. Oo, maliit na impormasyon lang 'yon kung tutuusin pero halos lahat ng media ay uhaw sa impormasyon tungkol kay Snow White na kulang na lang pati kulangot niya isama sa mga scoop nila.

Humalumbaba ako sa aking lamesa. Hindi ako kinukulit ng mga kaibigan ko dahil abala silang lahat sa trabaho. Si Sir. Gabby ang naiwang boss dito sa opisina kaya bawal ang patamad-tamad. Si Steffan naman ay may meeting sa isa sa mga hotels niya. Kay Steffan lang kasi nakakahinga nang maluwag ang mga tao dito. Nakakahawa kasi ang chilling vibes niya kaya kalma lang kami parati 'pag nandito siya.

Kaysa tumunganga sa lamesa ko, binuksan ko na lang ang Poisonous Apple na website. As usual, nakapost na lahat ng impormasyon tungkol sa mga pinatay ni Snow White. Kumuha ako ng sticky notes at inilista doon ang ilang mahahalagang parts at idinikit sa aking cubicle. Muli kong tiningnan ang mapa. Hindi pa buo ang mistulang pentagram ngunit hindi ako nakakasigurado kung ilan pa ang papatayin niya para mabuo ang simbolo na 'yon.

Ano ba kasing ibig sabihin ng pentagram na 'yon? Bakit tanging maiimpluwensyang tao lang ang pinapatay niya?

Ferdinand Mendez, CEO ng isang sikat na kompanya sa buong Asia. Angelica Simpson, isang sikat na modelo dito at maging sa ibang bansa. Jose Enrile, isa namang senador na nakatira sa city na ito.

Itinapat ko ang mouse pointer sa mga tabs sa itaas. Bawat tabs ay may drop-down menu. Nakuha ng aking atensyon ang tab na may nakalagay na "Theories". Nag-iisang tab ito na walang drop-down menu. Ini-click ko ito ngunit kailangan pa ng password.

Bumalik ako sa main page baka kasi may naipost ang blogger about sa password pero pagkalipas ng ilang minuto nang paghahanap sa page ay wala akong makita.

Sinadya niya kayang lagyan ito ng password? Bakit? Inilalahad na niya ang lahat ng impormasyon tungkol kay Snow White na pwede niyang ilahad pero bakit bukod tanging ang theories ang hindi niya mailabas? Theories niya kaya ito o ng iba't-ibang tao?

Isinabunot ko ang aking mga kamay sa aking buhok. Pakiramdam ko ay bawat araw tumatanda ako sa sobrang stress. Napakalayo ko pa sa point na masosolve ko na ang case ni Snow White. Bawat araw nawawalan na ako ng pag-asa na magagawa ko 'to within three months.

"Erza." Napaangat ako ng tingin at nasa harapan ng aking cubicle si Sir. Gabby.

Walang bahid ng ngiti sa kanyang mukha na mas lalong nakakapag-intimidate sa 'kin. Ano kayang problema nito sa buhay? Palagi ko na lang ipinagdadasal na sana si Sir. Steffan na lang ang nandito kaysa sa kanya kasi kapag siya ang nandito, lahat kami ay hindi makagalaw nang maayos.

"I want you to cover Governor Regan Sanchez' event later." aniya. "Magbubukas na ang bagong government office para sa city kaya magbibigay siya ng speech. Madaming dadalong mga importanteng tao sa event na 'yon at open din 'yon sa publiko kaya naman napakalaking event no'n." Inilapag niya ang isang brown folder sa aking lamesa. "Those are the lists of the important personalities that will attend the event."

Tumango na lamang ako sa kanya at lumakad na siya pabalik sa kanyang opisina.

Nang makapasok na siya sa loob ay dali-dali namang lumapit sa 'kin ang mga chismosa at chismoso kong mga kaibigan.

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon