Chapter 18

5.3K 310 105
                                    

Chapter 18

Have Mercy

Silence fell between us. It was a long and awkward silence that I instantly regretted asking him.

I closed my eyes and listened to his breathing again. It was heavier than before. Like he was nervous.

"I'm sorry," I whispered. "You don't really have to answer that question."

I...

My heart clenched when I heard his voice. It sounded so raw and broken. I'd like to think that he was finally opening up to me.

I don't really know.

I smiled. "Alam mo, isang maipagmamalaki ko sa sarili ko? Magaling ako kumilatis at pumili ng tao. Noong bata ako, sobra akong mahiyain. Hindi ako makikipag-usap sa iba hanggat hindi nila ako kinakausap. Nang tumungtong ako ng high school, natakot ako na baka wala akong maging kaibigan pero narealized ko na lang napapalibutan na ako ng mababait na tao," Tumingin ako sa kisame at naisip ang mga naging kaibigan ko noon. "Lahat ng mga naging kaibigan ko simula elementary hanggang kolehiyo, kakaunti man sila, sila ang mga naging tunay kong kaibigan. Ngayon namang may trabaho na ako, may mga kaibigan din ako na nabibilang man sa daliri, alam ko namang mapapagkatiwalaan ko. Kaya naman, itong nararamdaman ko para sa 'yo, alam kong hindi ito dala lang ng pakikitungo mo sa' kin."

Huli na nang mapagtanto ko ang aking huling nasabi. Para tuloy akong umamin ng nararamdaman para sa kanya.

Pero hindi! Ang ibig kong sabihin doon ay ang nararamdaman kong tiwala sa kanya!

Teka, bakit ang defensive ko naman yata?

"You don't have to be so hard on yourself, Snow White," dagdag ko. "Don't be so selfless."

It's my only way to repent.

Sinisisi ba niya ang sarili niya sa nangyari sa mga kalahi niya? Kaya ba handa niyang ibuwis ang sarili niyang buhay maibalik lang sila? 

"You want to bring your family back, right?"

That's the only thing I want.

Bumuntong-hininga ako. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin ang nangyari?" 

Muli na naman siyang natahimik. Did I overdo it? Masyado ko ba siyang minamadali? 

Pakiramdam ko'y para akong nasa isang simulation kung saan 'pag mali ang pinili kong sagot, hindi ko mapupuntahan ang route na gusto ko. 

We were betrayed. 

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Dinig na dinig ko ang galit sa tono ng kanyang boses. "By the ancestors of your victims?" 

Yes. 

"And you're killing their descendants so you can set your family free."

Yes.

Just like what D.C. wrote in his journal, the vampires were betrayed by those families.

Ibinuka ko ang aking bibig para sana muling magtanong ngunit mas pinili kong huwag na lang muna. 

"You're really strong." I smiled even though I know he can't see me. "You've done so much for them and I think they'll be really proud of you."

Hindi na ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. Muli kong binuksan ang laptop para magsimula na sa aking gagawin ngunit nagulat ako nang sumara ito. 

Nakapatong na sa ibabaw nito ang maputla at magandang kamay ni Snow White. 

"B-bakit?" 

Nakakunot na naman ang kanyang noo. Nanatiling nakapatong ang kanyang kamay sa laptop habang nakayukod. Ang mukha niya'y ilang pulgada lang ang layo mula sa ʼkin. 

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon