Chapter 1

84.4K 1.3K 144
                                    

This story is dedicated to Aitan_Yin thank you sa pagpapagamit ng name mo ;)

Lorenzo

UMAALINGAW NGAW ang tunog ng bawat suntok ko sa punching bag sa buong sala. Pinagpapawisan na rin ako at buhay na buhay na rin ang dugo ko. Ilang malalakas na suntok pa ang binitawan ko pagkatapos ay hinubad ko na ang gloves at nag push up naman. Alas singko y medya pa lang naman ng umaga at alas syete ang duty ko ngayon. Pagkatapos ng ika dalawampung push up ay tumayo na ako at muling umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ko kung nasaan ang kwarto ko.

Hinubad ko ang natitira kong saplot at hubo't hubad na pumasok ng banyo. Tumapat ako sa shower at binuksan ito. Pagkatapos kong magshower ay nag ahit naman ako dahil medyo humahaba na ang bigote at balbas ko. Ng makuntento ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis na ng uniporme. Sinuot ko na rin ang combat shoes ko. Binitbit ko na ang Beretta 92 ko, wallet at cellphone paglabas ng kwarto. Dumiretso muna ako ng kusina para mag almusal. Nilabas ko sa ref ang ulam na niluto kagabi ni mang Estong at ininit sa oven. Nagtimplaa naman ako ng kape. Nakapagsaing na ako kanina sa rice cooker pagkagising ko. Sanay kasi ako na kanin ang umagahan para may lakas ako sa buong umaga. Lalo na sa nature ng trabaho ko hindi pwede ang lalata lata. Ng maiinit na ang ulam ay nagsandok na ako ng kanin at kumain.

"Papasok ka na ba Lorenzo?" Tanong ni mang Estong na nasa labas ng gate at nagwawalis na. Nakatira lang sya sa tabi ng bahay ko kasama ang asawa at sila na rin ang naging katiwala ko sa bahay.

"Oho mang Estong maaga ako ngayon sa checkpoint." Sabi ko.

"O sige ako na ang magbubukas ng gate." Sabi nya at binitawan ang walis. Pumasok sya sa maliit na gate at binuksan na ang malaking gate.

Pumasok naman ako sa pick up truck ko at binuhay na ang makina. Inatras ko na ito palabas ng garahe.

"Alis na ho ako mang Estong, kayo na ho ang bahala sa bahay." Bilin ko.

"Walang problema Lorenzo." Sabi nya at sumaludo pa.

Sinarado ko naman ang bintana at pinausad na ang sasakyan. Marami ng tao sa labas ang mga naglalakad at mga aligaga. Mga estudyante na papasok sa eskwela at mga tao na papasok naman sa trabaho.

Ang bayan ng Inocencia ay sentro ng komersyo ng lalawigan. Kung ang San Agustin na pinakamalaking bayan sa buong lalawigan ay kilala sa taniman ng mga tubo na pagaari ng mga Alejos, ang San Martin na kilala din sa taniman ng cacao farm na pag aari ng kaibigan kong si Jeiz, ang Consolacion ay kilala naman sa mga bar hub at pasugalan. Ang Inocencia naman ang pinaka sentro ng komersyo. Halos nandito na kasi lahat iba't ibang bangko, hospital, town mall, mga eskwelahan, factory, fast food chains, restaurants, malaking pamilihan at kung ano ano pa. At naglipana na rin ang iba't ibang krimen at iligal na gawain sangkot pa ang ilang mga negosyante.

Isang taon na lang naman ang ilalagi ko sa pulisya. Magretetiro na ako sa susunod na taon. Tama na ang ilang taon na pagsisilbi ko at natupad ko na rin ang pangarap kong maging pulis. Mga magulang ko naman ang tutulungan ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin sa Manila na matagal na nilang inuungot sa akin. Wala naman kasing ibang magmamana ng negosyo namin kundi ako lang dahil nagiisa lang akong anak. May sarili din naman akong negosyo. May resort ako sa bayan ng Sto. Domingo na dinadayo talaga ng mga turista. May tatlong restaurant din ako at shares of stock sa kumpanya ng nga kaibigan ko. Talagang ang pagpupulis lang ang naging passion ko.

Pagdating ko ng presinto ay naabutan ko ang mga kasama kong nagkakape. Mga panggabing shift sila.

"Good morning Villegas" Bati nila sa akin.

"Kape boss." Alok sa akin ng baguhang pulis.

"Tapos na ako salamat." Sabi ko at dumiretso na sa office ng chief para magreport bago tumungo sa checkpoint.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon