Aitana
NAPATILI AKO ng biglang huminto ang sasakyang lulan namin.
Kunot noong nilingon ko sya. Nakatingin sya sa akin at nakaawang ang labi.
"Bakit ka ba -- hmp!" Napasinghap ako at nanlaki ang mata ng bigla nyang kabigin ang batok ko at halikan ako ng mariin sa labi. Halos trumiple na sa bilis ang tibok ng puso ko. Ang pisngi ko ay tila nagliliyab na sa sobrang init. Sa tanang buhay ko wala pang nangahas na humalik sa akin.Nataranta ako at tinulak sya. Medyo nahirapan pa ako dahil ang tigas ng katawan nya at tila may glue ang labi nyang nakadikit sa labi ko.
"Hmph t-teka lang Lorenzo." Protesta ko na at iniwas ang mukha at ang mukha na nya ang tinulak ko. Ng maghiwalay na ang labi namin ay inatras ko ang katawan at sumiksik sa pintuan. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para itong tinatambol at nakikipagsabayan sa busina ng mga sasakyan sa labas.
Sya naman ay ilang sandaling nakatingin sa akin at kinabig ang manibela para igilid sa tabi ang sasakyan na lulan namin. Tapos ay muli syang bumaling sa akin.
Napalunok ako. "B-Bakit ka ba.. biglang n-nanghahalik dyan?" Nauutal at kinakabahang tanong ko.
Kumunot ang noo nya. "Anong masama dun? Girlfriend naman na kita." Aniya sabay ngisi.
Nanlaki na naman ang mata ko. "G-Girlfriend ka dyan? At kelan pa?" Nababaghang tanong ko.
"Ngayon. Sinasagot mo na ako di ba?" Nakataas ang kilay na sabi nya at naglalaro pa rin sa kanyang labi ang ngisi.
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. "Anong sinasagot ka dyan? Hindi pa no! Ang sabi ko lang pinagiisipan ko kung sasagutin na ba kita." Asik ko sa kanya.
"Tss, ganun na rin yun. Sasagutin mo rin naman ako. Bakit pa patatagalin?" Nakangisi pa ring sabi nya at kumagat labi pa habang ginagala ang mata sa aking mukha at nagtagal pa sa aking labi.
"A-Ang kapal mo ha, hindi pa kita sinasagot." Kinakabahang sabi ko dahil lumalapit ang mukha nya sa akin. Pilit ko namang sinisiksik ang sarili ko sa pintuan.
"Tss, dami mo namang sinasabi. Pakiss na, nabitin ako kanina eh. Tinulak mo ko." Nakangising sabi nya at lalo pang nilalapit ang mukha sa mukha ko.
Nanlalaki ang matang umiling iling naman ako. Tila may naghahabulang mga kabayo sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Ng halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko ay tinakpan ko na ang bibig ko.
Lalo naman syang napangisi. "Hindi ko alam conservative pala ang girlfriend ko. Sige na nga hindi na kita pipilitin baka bigla mo kong hiwalayan eh." Natatawang sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Umayos na sya ng upo sa driver seat at binalik na sa linya ang sasakyan. Ako naman ay umayos na rin ng upo habang higit pa rin ang hininga at kumakalabog pa rin ang dibdib. Pakiramdam ko aatakehin na ako sa puso.
Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa labi nya at pinupog ito ng halik. Kumikiskis pa ang papatubong bigote at balbas nya sa balat ko. Akmang babawiin ko ang kamay ko pero mahigpit nya itong hinawakan at nginisihan lang ako. Nagiinit ang pisngi at nanghahaba ang ngusong inirapan ko na lang sya..
At doon na nga nagsimula ang relasyon namin bilang magnobyo..
***
"WHAT TOOK you so long?" Salubong ang kilay na bungad ni Lorenzo sa akin paglabas ko ng maliit naming gate.
Napanguso ako. "Nag ayos pa ko eh." Sabi ko.
May date kasi kami ngayon at desisyon nya yun. Nakipagpalit daw sya ng off sa kasama nya para sa date namin. Hindi ko sya pinapasok sa bahay dahil ako lang ang mag isa. Si Benj ay maagang lumipat sa salon nya. Wala akong tiwala sa kanya eh. At wala din akong tiwala sa sarili ko. Kaya ayan masama ang mukha nya. Aba nagiingat lang ako. Wala kasi si tiyang dahil pinuntahan ang isang kamag anak namin na nasa hospital daw.
BINABASA MO ANG
DG Series #1: Captive Heart
General FictionSi Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isan...