Chapter 33

42.4K 918 49
                                    

Aitana

NAPATAAS ANG ang kilay ko ng maabutan ko sa loob ng salon si Benj at Macy na naglalambingan este nagtatalo. Natatawa na nga lang sila Erika at mga costumer na naroon.

"Ayoko kasi ng ganyang kulay. Parang walang kabuhay buhay" Reklamo ni Macy habang pinagpipilitan ni Benj ang kulay nude pink na cutix sa kuko ng paa nya.

"Shunga! Ganitong kulay ng nail polish ang trend ngayon." Giit ni Benj na nakaupo sa bangkito sa may paanan ni Macy. Nakapatong pa ang isang paa ni Macy sa may tuhod nya.

"Eh baka masagwa sa paa ko yang ganyang kulay."

"Hindi no. Maputi ang paa mo kaya kahit anong kulay bagay. Pero dito sa nude pink lalo lang puputi ang paa mo."

"Sigurado ka dyan ha." Nagdududa pa ring sabi ni Macy.

"Oo nga. Parang wala kang tiwala sa akin ah." Mataray na sabi ni Benj.

"Eh kasi.."

"Wag ka ng maraming arte kagatin ko tong paa mo eh."

Napanguso na lang si Macy at hindi na sumabat. Hinayaan na lang si Benj.

Tahimik na bumungisngis naman ang mga naroon.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Nagsilingunan silang lahat sa akin.

"Hi bes." Bati sa akin ni Macy na kumaway pa. Binati ko rin sya.

"Ano ginagawa mo dito insan?" Tanong ni Benj na binabrush na ang kuko ni Macy.

"Magpapamanicure ako." Sabi ko. Lumapit naman sa akin si Eden ang isa sa manikurista at giniya ako paupo sa reclining na sofa.

"Ano meron at magpapamanicure ka?" Kunot noong usisa ni Benj.

"Aalis kasi kami ni Lorenzo mamaya. Pupunta kami ng Manila sa mga parents nya." Sabi ko. Sabado ngayon at bukas ay walang pasok si Lorenzo kaya pupunta kami ng Manila and mamaya ang alis namin.

"Nakapag paalam ka na ba kay tiyang?" Taas kilay na tanong ni Benj.

"Syempre. Eh kayong dalawa? Anong balak nyo?" Balik tanong ko sa kanya.

"W-Wala." Labas sa ilong na sagot ni Benj at nagiwas ng tingin. Tiningnan ko naman si Macy na ngumiti lang sa akin.

Alam ko namang may plano sila ayaw lang sabihin nitong pinsan ko para hindi namin malaman. Kahit hindi nila sabihin lalo na ni insan ay nahahalata ng mga tauhan na may something sa kanilang dalawa ni Macy. Hindi lang sila naguusisa dahil nirerespeto nila ang privacy ng amo.

"WALA KA ng nakalimutan sweetheart?" Tanong ni Lorenzo ng palabas na kami ng bahay. Bitbit nya ang tote bag ko na may lamang damit ko at hygiene kit.

"Wala na. Tiyang alis na po kami." Paalam ko kay Tiyang Meding.

"Mag iingat kayo." Sagot naman ni Tiyang Meding na nasa loob ng bahay.

Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko at giniya na ako sa sasakyan nyang nakaparada sa harap ng bahay. Ibang sasakyan ang dala nya ngayon. Itim na itim ang kulay at nangingintab. Binuksan nya ang pinto sa passenger seat at inalalayan akong sumakay.

Mahigit tatlong oras ang byahe papuntang Manila. Wala pa namang tulog tong jowa ko dahil galing sya sa duty at nag overtime pa. Pero sabi nya kaya naman daw nya. Eh di go. Kinuwentuhan ko lang sya ng kinuwentuhan para di sya antukin.

Kinse minutos bago mag alas syete ay nakarating na kami sa bahay ng mga parents nya. Napapangaga ako sa laki ng bahay nila dito sa Manila sa loob ng isang kilalang subdivision na pawang mga mayayaman lang ang nakatira sa loob. Classic at modern ang design ng bahay nila na parang mansion na. Yung gate nga nila automatic na bumukas kanina tapos yung lawn nila parang carpert sa linis ng bermuda grass. Hindi ko inaasahan na ganito kagarbo ang bahay nila. Nakakalula.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon