Chapter 6

49.2K 1.2K 290
                                    

Aitana

NILAPITAN KO si Mang Hunyo na nasa harap ng estante ng mga delata. Kumuha lang sya ng dalawang delata ng sardinas na pinakamura.

"Mang Hunyo yung sardinas na lang po na yun ang kunin nyo mas magandang klase at mas masarap po yun." Sabi ko at tinuro ang isang brand na sardinas.

"Medyo mahal po yun ma'am, ok na po ito." Nahihiyang sabi nya.

"Hindi po, wala po kasing lasa yan eh. Yun na lang po. Kumuha po kayo ng sampu."

"Sampu? Naku! Ang dami nun ma'am baka mapalaki po ang magastos nyo." Napapakamot sa ulo at nahihiya pa ring sabi nya.

Ngumiti naman ako at kinuha ang dalawang latang sardinas sa kamay nya at binalik sa estante. Dumampot ako ng ibang brand ng sardinas at nilagay sa cart namin. Dumampot na rin ako ng sampung lata ng corned beef, meatloaf at iba't ibang klaseng de lata pa na ready to eat na. Wala ng nagawa si Mang Hunyo kahit nahihiya pa sya. Sunod naman naming pinuntahan ang estante ng mga gatas at kape. Pinakuha ko si Mang Hunyo ng tig dalawang pack na pinakamalaking milk powder at chocolate powder para sa mga bata. Kape at asukal naman para sa kanya.

"Kuya Enzo, yun po gusto ko po nun."

Nilingon ko ang kapatid na babae ni Pengpeng na si Tintin na may tinuturo sa taas ng estante ng nga biscuits.

"Eto ba?" Tanong naman ni sir Lorenzo at inabot ang isang pack ng chocolate cake bar. Tumango si Tintin. Dumampot si sir Lorenzo ng tatlong pack ng chocolate cake bar na iba iba ang flavor at nilagay sa dala nilang cart na kalahati na ang laman na puro biscuit at junk food ang laman. Talagang sumama sya sa amin kahit sinabi kong hindi na. Day off naman daw kasi nya at wala daw syang ginagawa.

"Tuya pulit guto ko po ito." Ungot naman ni Junjun na tinuro ang isang tsitsirya.

"Wag yan baby, masyadong maalat yan. Bawal sa'yo yan." Malambing na sabi ni Sir Lorenzo at binuhat pa si Junjun at pinakita ang ibang biscuits na pwedeng kainin ni Junjun.

"Pili ka na lang dito. Ito, masarap to." Suhestiyon pa ni sir Lorenzo at tinuro ang isang pack ng cheese cake.

Napataas naman ang kilay ko. Ibang iba sya ngayon sa mga bata kesa sa akin noong una at pangalawa kaming magkita. Masungit sya sa akin at arogante tapos ngayon malambing sya sa mga bata. Unfair ha.

"Maraming salamat talaga sa inyo ng kaibigan mong pulis ma'am. Napakabuti nyo sa amin." Anang Mang Hunyo na kanina pa nagpapasalamat.

Ngumuso ako. "Hindi ko po sya kaibigan Mang Hunyo. Dalawang beses na nga nyan ako muntik ng arestuhin. Napagkamalan pa nga nya akong isa sa organizer ng pasugulan dun sa inyo eh." Tila nagsusumbong na sabi ko.

"Oo nga, nakwento sa akin ni Pengpeng. Pasensya na po ma'am nadamay pa kayo sa gulo sa lugar namin."

Umiling iling ako. "Wala po kayong kasalanan Mang Hunyo wag po kayong humingi ng pasensya." Sabi at tinapik sya sa balikat.

Lumapit naman ako kay sir Lorenzo at sa mga bata na pumipili ng mga gusto nila. May hawak na ngang tig isang garapon ng istiko ang dalawang bata.

"Ang dami nyan ah." Untag ko.

Tumingin naman sa akin si sir Lorenzo at ngumisi. "Don't worry akong magbabayad nyan." Aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Kahit hindi na, keri ng budget ko yan."

"Nah, I insist. Ako ang magbabayad nyan." Giit pa nya.

Ngumuso ako. "Sabi mo eh."

"O mga bata, kunin nyo lang ang lahat ng gusto nyo. Libre lahat ni sir Lorenzo. O ito, dagdagan nyo pa ng tig dalawa." Sabi ko at dumampot pa ng dalawang balot na chocolate cake bar, cheese cake, buscuits at kung ano ano pa. Inutusan ko pa si Pengpeng na kumuha pa ng tig isang malaking pack ng milk powder at chocolate powder pati asukal at nilagay sa cart ni sir  Lorenzo. Sa isang iglap napuno ang cart.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon