Aitana
"TEACHER AI! Teacher Ai!"
Nilingon ko ang boses ng mga batang tumatawag sa akin. Napangiti ako ng makita si Mang Hunyo kasama ang dalawang kapatid ni Pengpeng. Lumapit sila sa akin. Ginulo ko naman ang buhok ng dalawang bata na ngayon ay mga malulusog na at masisigla. Mga nakabihis sila ngayon at mukhang galing sa kung saan.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko kay Mang Hunyo."Galing ho kami ng sementeryo ma'am. Dinalaw namin ang yumao kong asawa. Binilhin na rin ho namin ng pagkain si Pengpeng at dinaan na rito." Sagot ni Mang Hunyo at pinakita pa sa akin ang plastic na may lamang styrofoam.
"Ah ganun po ba, sandali lang po at tatawagin ko si Pengpeg." Tinawag ko ang estudyante kong busy sa pagsusulat sa manila paper. Agad naman itong lumapit at napangiti ng makita ang tatay at mga kapatid.
Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. Malayong malayo na ang kalagayan nila noon kesa ngayon. At may pagmamalaki sa puso ko na natulungan ko sila. Syempre salamat din kay Lorenzo na isa din sa tumulong. Iniwan ko muna sila saglit at pumasok na sa classroom para tingnan ang ibang ginagawa ng mga estudyante.
"IHH! EXCITED na talaga ako baks! Sa wakas magiging asawa ko na si Benj." Kinikilig na sabi ni Macy habang naglilista ng iimbitahan nya sa nalalapit na kasal nila ni Benj.
Sa susunod na buwan na ang kasal nila. Sa huwes lang muna. Pero after daw manganak ni Macy ay pinaplano na rin ni Benj na magpakasal sila sa simbahan. Ang taray talaga ng pinsan ko. Pati tuloy ako naeexcite na rin sa kanila lalo na sa baby nila.
"Imbitahan mo si Miss Maascad baka sungitan ka nun." Sabi ko.
"Ay syempre naman, di sya mawawala. Kaunaunahan nga sya sa listahan o." Aniya at pinakita sa akin ang lista nya. Natawa kami parehas. Kauna unahan nga sa listahan ang principal. Syempre imbitado din ang lahat ng co teachers namin at ilang mga close friends noong college.
"May naisip na ba kayong pangalan ng baby nyo?" Tanong ko.
"Hmm, wala pa. Pero si Benj nag iisip na. Puro pangalan nga lang ng babae. Gusto nga nya talaga babae pero ok lang daw kung lalaki ang lumabas basta kasing ganda din daw nya." Aniya at sabay muli kaming tumawa.
Hindi na siguro maaalis sa pinsan ko ang pagiging pusong babae. Pero at least lalaki syang may paninindigan."Uy baks, sino ba yung mga lalaki dyan sa labas na mga nakatambay? Madalas ko silang nakikita dito lately." Usisa ni Macy na sinisilip silip sa bintana ang limang lalaki di kalayuan sa bahay namin.
"Ah mga kasamahang pulis yan ni Lorenzo, nagbabantay daw dito sa lugar namin." Sabi ko. Ang totoo nyan ay kami ang binabantayan ng mga yan. Doble ingat lang daw habang hindi pa nahuhuli ang magtiyuhin. Yun ang sabi ni Lorenzo ng magtanong ako. Sa gabi ay iba naman ang nagbabantay.
"Bakit? May kriminal bang nagpapagala gala dito sa inyo?"
Nagkibit balikat ako. "Sabi, pero di ako sure. Pero mainam na rin yun para ligtas ang mga taga dito." Sabi ko na lang. Mainam na rin yung hindi ko na idetalye sa kanya dahil baka mag alala pa sya.
"Ay baks, pwedeng samahan mo ko sa bayan. May bibilhin lang ako sa bookstore tapos kain na rin tayo sa may siomayan." Aya nya sa akin. Wala kasi si Benj dahil nasa kabilang parlor ito kaya dito muna tumambay sa bahay si Macy.
"O sige, miss ko na rin kumain ng siomai. Teka lang paalam lang ako kay Lorenzo." Sabi ko at kinuna ang cellphone para itext ang nobyo.
Napataas naman ang kilay ni Macy. "Bakit may pagpaalam pa sa jowa?" Nanunuksong tanong nya.
"Eh yun ang bilin nya, magsasabi ako sa kanya kapag aalis ako." Sabi ko habang nagtatype ng text.
"Parang hinihigpitan ka na ng jowa mo ah." Aniya na may nanunuksong tingin.
BINABASA MO ANG
DG Series #1: Captive Heart
Narrativa generaleSi Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isan...