Chapter 14

47.6K 1.1K 165
                                    

Aitana

NAPASIMANGOT AKO ng makita si Lorenzo na kausap si Sherry. Iniwan ko lang sya saglit sa lobby dahil naiihi ako. Gusto nga nyang samahan ako kaya lang may lumapit sa kanyang matandang lalaki na mukhang negosyante. Tapos pagbalik ko iba na ang kausap nya at walang iba kundi si Sherry na panay ang pacute sa kanya. Tila pa nga nagniningning ang mga mata ng babae habang titig na titig sa kanya. Baka naman magkakilala sila?

Lumapit ako sa kanila at kumapit sa braso ni Lorenzo. Tumingin sa akin si Sherry at tinaasan ako ng kilay. Umawang pa ang labi nya na mukhang nagulat sa ginawa ko.

"Sweetheart." Untag sa akin ni Lorenzo. Tumingala ako sa kanya at sweet na ngumiti. Ngumisi lang sya.

"Sweetheart?" Bulalas ni Sherry. Kunot noong palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Lorenzo. "Magkakilala kayo?"

Dalawang kamay ng kumapit ako sa braso ni Lorenzo. Halos yakapin ko na nga ito.

"Oo, at sya ang boyfriend ko." Taas noo at may halong pagyayabang na sabi ko.

Si Lorenzo naman ay kunot noo ding nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Sherry.

"What? Sya ang boyfriend mo? Wag ka ngang magpatawa. Ang sabi mo kanina pulis ang boyfriend mo." Nanguuyam na sabi ni Sherry at ngumisi.

"Yes, I'm a police officer miss. SPO1 Lorenzo Villegas." Pagpapakilala ni Lorenzo kay Sherry sabay labas ng tsapa nya.

"Ha? Pulis ka?" Di makapaniwalang tanong ni Sherry na nabura ang ngisi sa labi.

Ako naman ang lihim na napangisi. Pakiramdam ko nalamangan ko sya.

"Pulis talaga ang trabaho nya at the same time pag aari din nya itong resort. At hindi lang yun, may tatlo din syang pag aaring restaurant at paupahan." Mayabang at taas noong sabi ko.

Umawang naman ang labi ni Sherry. Akala nya ha?

Lumingon ako kay Lorenzo. Nakatingin sya sa akin at nakataas ang kilay. Inis naman na nilayasan kami ni Sherry.

Malapad naman akong napangiti at kumaway pa kay Sherry na lumingon at inirapan pa ako. Lumingon naman ako kay Lorenzo. Nabura ang ngiti ko ng makita ko ang matiim nyang tingin. Yung tingin nyang parang nanay na pinagbabantaan ang anak na pasaway.

"Medyo hindi ko gusto ang inasal mo kanina sa harap ng kaibigan mo sweetheart, para kang bata." Sita sa akin ni Lorenzo habang nasa byahe na kami pauwi. Papalubog na araw sa labas.

Ngumuso ako. "Hindi ko sya kaibigan no."

"Kahit na, hindi pa rin tama yung inasal mo. Teacher ka kaya dapat laging nasa tama ang behavior mo. Paano kung may estudyante mo ang nakakita sayo at ganun ang inasal mo? Baka gayahin ka nila."

Natameme ako sa sinabi nya. May punto naman sya at wala talaga sa tama ang inasal ko.

Napakamot ako sa ulo. Eh kasi naman eh! Nainis ako kay Sherry kanina.

"Sorry na. Naiinis lang kasi ako dun kay Sherry."

"Bakit ka ba naiinis dun sa kaibigan mo?"

"Hindi ko nga sya kaibigan. Schoolmate kami noong college. Lagi kaming magkalaban sa pageant contest noon. Tapos kanina ng magkita kami ininsulto nya ako. Pipitsuging pulis lang daw ang boyfriend ko."

"Sinabi nya yun?" Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin.

"Oo, sabi pa nya dapat ko daw syang gayahin. Dapat daw mga kagaya ni Congresman Raymond Echevari ang mga lalaking pinapatulan ko. Sikat at kilalang politiko." Pasumbong na sabi ko.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon