Chapter 31

43.2K 979 133
                                    

Aitana

NAKAKUNYAPIT AKO sa braso ni Lorenzo habang nakadikit din ang pisngi ko at nakatingala sa mukha nya. Nakikinig ako sa mga kinukwento nya tungkol sa trabaho nya. Nasa loob kami ng pick up truck nya na nakaparada sa gilid ng park ng bayan. Galing kaming restaurant nya at kumain. Nagtake out na rin kami ng ulam para kanila Tiyang Meding at Benj. Nagulat nga ako dahil ang aga nyang dumating sa bahay kanina. Magsasaing pa lang ako. Inagahan daw nya talaga dahil gusto nyang kumain kami sa labas at makasama ako ng mahaba habang oras. Natuwa naman ako at kinilig. Sa kabila ng pagkabusy nya ay nageeffort talaga sya. Kahapon nga at kaninang umaga ay pumunta sya sa school at dinalhan ako ng meryenda bago umuwi sa bahay nya.

"Sa next day off ko saan mo gustong pumunta?" Tanong nya at tumingin sa akin.

Ngumuso ako at nag isip. Ok lang naman sa akin kahit saan kami magpunta basta kasama ko sya. Namimiss ko na rin kasi syang kasama ng matagal.

"Ikaw ang bahala." Sabi ko.

Ngumiti sya at hinaplos ang buhok ko. "Gusto mong pumunta ng Manila? Sa bahay namin?"

"Sa bahay ng mga parents mo?"

Tumango sya. "Umuungot kasi si mommy sa akin na pasyalan ko naman daw sila ni daddy sa Manila at isama ka daw."

"O sige. G ako dyan." Sabi ko. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng Manila. Mga dalawang taon na.

Kumunot ang noo nya. "Anong G?"

Muntik na akong mapabunghalit ng tawa. "G means Go, go ako dyan. Gogora tayo sa Manila."

Lalong nangunot ang nya at napakamot sa batok. "Ano ba yang mga salitaan mo, mga bagong words ba yan sa dictionary na tinuturo nyo sa school?"

Tuluyan na akong bumunghalit ng tawa. Pero tumigil ako sa pagtawa ng samaan nya ako ng tingin. Ngumuso na lang ako.

Tumikhim ako. "Beki language kasi yun. I mean salitang bakla." Paliwanag ko sa kanya.

Ngumisi sya. "Natutunan mo sa pinsan mo?"

Tumawa ako at tumango. "Gusto mo turuan kita?"

Kumamot sya sa noo at umiling.

"Sige na turuan kita."

"Nah, I'm fine sweetheart." Tanggi nya.

Pero dahil sinumpit ako ng hangin ng kapilyahan, kinulit ko sya.

"Sige na, madali lang naman yun eh. Sabihin mo chuvaness eklavu ek-ek." Pigil ang tawang pang uuto ko sa kanya.

Tiningnan naman nya ako ng masama. Nagpacute lang ako sa kanya na ikinangisi nya sabay pisil sa nakausling nguso ko.

"Wag mo kong utuin sweetheart kung ayaw angkinin kita dito sa sasakyan."

Naumid ang dila ko sa sinabi nya kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko at pagtibok ng gitna ko. Napagdikit ko ang mga hita ko kasabay ng pagiinit din ng mukha ko. Shet na malagket! Bakit pati yun tumibok? Nanabik?

"Di wag." Nakangusong bulong ko.

Tumawa sya at hinalikan ako sa ulo.

Ilang minuto pa kaming tumambay sa harap ng parke. Wala naman kaming ibang ginawa sa loob ng sasakyan kundi maglambingan lang. Hindi ko na sya masyadong kinulit dahil baka totohanin nya ang sinabi kanina. Hindi pa naman sya mapagbiro.

Alas sais y medya ay hinatid na nya ako sa bahay dahil malapit na ang oras ng duty nya.

NAKARAMDAM AKO ng awa kay Macy habang nagkukwento sya tungkol sa nangyari sa kanila ni Benj sa bahay nya kanina. Muntik na kasi syang malate kanina. Naabutan sila ni Benj ng nanay nya at nageskandalo doon. Ngayon ay nag aalala sya na kumalat ang chismis at makarating sa principal. Alin lang sa dalawa ang mangyayari sa kanya. Masuspende sya o matanggal sa serbisyo.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon