Chapter 25

47.3K 1K 187
                                    

Macy

"SALAMAT SA paghatid Art." Sabi ko pagbaba ko ng motor ni Art. Binigay ko sa kanya ang helmet.

"You're welcome." Nakangiting sabi nya.

Nginitian ko din sya at sinukbit ang bag. Manliligaw ko si Art. Nagtatrabaho sya sa isang bangko. Nagkakilala kami sa social media. Nagkachat hanggang sa nagparamdam syang manliligaw. Isang linggo na syang nanliligaw sa akin. May hitsura naman si Art. Mabait at maginoo pa.

"See you tomorrow Macy."

Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Sinundan ko muna sya ng tingin papaalis bago tumalikod.

"Sino yun ha?"

"Ay!" Napatili ako at napahawak sa dibdib kong malakas ang kalabog ng malingunan si Benj na nakahalukipkip at nakasimangot. "Ano ba Benjamin! Ginulat mo naman ako."

Nagmock face sya at inirapan ako. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Ang taray talaga nitong baklitang to. Mabuti na lang gwapo sya at masarap.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Nakasuot lang sya ng cotton shorts na kulay puti at t-shirt na navy blue na hakab na hakab sa manggas ang mga masel nya sa braso. Kung tutuusin lalaking lalaki naman talaga ang hitsura nya. Maliban lang sa pananalita at mga kilos nya. Gwapo talaga sya at mestisuhin, maputi pa at talagang malinis sa katawan. Yun nga lang mas maarte pa sa akin.

"So sino nga yun? Kaya pala ng pinuntahan kita kanina sa school nyo wala ka na. Yun pala may ibang sumusundo sayo." Mataray na sabi nya.

Natigilan ako sa sinabi nya. "Pinuntahan mo ko sa school kanina?"

Nag iwas sya ng tingin at humimas sa batok. "O-Oo."

"Bakit mo ko pinuntahan?" Tanong ko ulit. May sumibol na tuwa sa puso ko. Mukhang nagbubunga na ang mga paghihirap ko at gabi gabing pag iisip sa kanya.

"W-Wala lang, bored ako sa salon eh. Naisipan kong maggalagala tapos naisipan kong puntahan ka sa school nyo dahil uwian nyo na. Kaso sabi ng gwardya umuwi ka na nga daw. Pinuntahan kita dito sa bahay mo wala ka naman yun pala may kasama kang iba. Tss, kung kani kanino ka sumasama baka mamaya siraulo pala yun." Aniya at inirapan na naman ako.

Kumagat labi ako para pigilan ang pagngiti dahil sa kilig. Pinigilan ko rin ang sarili ko na sugurin sya ng yakap. Baka lalong lumaki ang ulo nya kapag pinakita kong patay na patay ako sa kanya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Si Art yun, manliligaw ko." Kaswal lang na sabi ko at nilampasan sya. Nakita ko pa ang motor nyang nakaparada sa tabi ng gate ng compound.

Dinukot ko ang susi ng bahay ko at pumasok na sa gate. Binati ako ng isang kapitbahay ko. Nginitian ko lang sya at tinanguan. Naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Benj pero hindi nagsasalita. Ng makarating na ako sa tapat ng bahay ko ay sinuksok ko na ang susi sa padlock at binuksan ang pinto. Pumasok ako at nilapag ang bag sa sofa. Dumiretso ako ng kusina at binuksan ang ref. Kinuha ko ang tumbler at tinungga.

"Manliligaw? At kelan ka pa nagkaroon ng manliligaw?" Tanong nya ng makapasok na rin sya sa bahay ko.

Hinarap ko sya. Nakapameyang sya at mataray ang mukha.

"Isang linggo ng nanliligaw sa akin si Art."

Humalukipkip sya. "Kaya naman pala hindi ka na pumupunta ng salon dahil busy ka na sa manliligaw mo." Nakataaas ang kilay na sabi nya.

"Di ba sabi mo wag na kitang kulitin. Iniiwasan mo nga ako eh."

Simula ng gabing may nangyari sa amin sa salon nya ay iniwasan na nya ako. In-unfriend pa nga nya ako sa social media na iniyakan ko talaga. Pero in-add friend naman nya ulit ako. Yun nga lang sinabihan nya akong wag na syang kulitin at kalimutan na lang ang nangyari sa amin. Di daw nya ako magugustuhan kahit ano pa ang gawin ko. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng lalaking pwede akong mainlove sa kanya pa na mas malantik ang mga daliri kesa sa akin.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon