Aitana
"AYOS KA lang sweetheart?" Kunot noong tanong sa akin ni Lorenzo ng ihatid ko sya sa sasakyan nya.
Bumuntong hininga ako at tamad na tumango.
"Kanina ka pa parang walang gana. Hindi mo ko masyadong kinakausap tapos iniirapan mo ko. May problema ba?" Mahinahong sabi nya.
Hindi ko nga sya masyadong pinagkakausap kanina. Sila ni tiyang Meding lang ang laging magkausap. Tango lang ang sinasagot ko. Kung magsasalita man ako ay oo at hindi lang ang sinasabi ko.
"Wala." Tipid kong sagot at humalukipkip.
Naiinis ako sa kanya. Di ko pa rin makalimutan yung pinakita sa akin ni Benj sa cellphone. Picture nila ng kasamahan nyang pulis na si Julie na masayang kumakain sa isang kainan sa bayan. Wala namang masama sa picture. Pero hindi ko lang gusto lalo pa at may past silang dalawa. At saka dapat umuwi na sya at matulog imbes na naglalamyerda pa.
Napapitlag ako ng idampi nya ang kamay nya sa noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit. Siguro masama lang ang pakiramdam mo. O baka naman may buwanang dalaw ka." Nangingiti at nanunuksong sabi nya.
Ngumuso ako at inirapan naman sya. "Wala nga, wala ako sa mood." Masungit na sabi ko.
Pero lalo lang naman lumaki ang ngiti nya. "O baka naman.. naglilihi ka na. Magkakababy na ba tayo?" Pilyong pabulong na sabi nya.
Nag init naman ang pisngi ko. "Hindi ako naglilihi no. Wala lang talaga ako sa mood. Pumasok ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya. Unti unti na kasing nawawala ang inis ko sa kanya.
Bumuntong hininga sya. "Ano nga kasi ang -- " Naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang cellphone nya. Dinukot nya ito sa bulsa at sinagot. "Yes chief?"
Sandali syang hindi nagsalita at nakikinig lang sa sinasabi ng nasa kabilang linya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Tumaas pa ang kamay nya at hinawi ang hibla ng buhok kong lumipad sa mukha ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at purang bulang naglaho ang inis ko sa kanya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko.
"Ok chief, on the way na ako." Sabi nya at binaba na ang cellphone.
"I gotta go sweetheart. See you again tomorrow." Paalam nya sabay kabig sa batok ko at hinalikan ako sa labi at pisngi bago nagmamadaling umalis. Naiwan akong tulala at nagiinit ang mukha. Sinundan ko na lang ng tingin ang sasakyan nyang papaalis.
"Ayiehhh!"
Doon lang ako tila binalikan ng ulirat ng marinig ang mga boses ng mga bata. Nilingon ko ang mga batang nang aasar.
"Magsi uwi na kayo, gabing gabi na nasa lansangan pa kayo. May pasok pa bukas." Sermon ko sa kanila.
Agad naman silang tumalikod at umuwi na sa kani kanilang bahay. Pumasok na rin ako sa maliit na gate namin at sinara ito.
"Ano? Tinanong mo na ba sya kung sino yung babae?"
Lumingon ako. Nakita ko si Benj na nakasandal sa hamba ng pinto. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay.
"Hindi." Nakangusong sagot ko.
"Ay gaga bakit hindi mo sya kinompronta?"
"Eh baka pagawayan lang namin yun eh." Kahit inis ako kay Lorenzo ayoko namang mag away kami.
"Takot kang mag away kayo? Pero kanina hindi mo sya kinakausap at panay ang irap sa kanya. Sarap mo ring sabunutan eh. Parehas kayo ni Macy."
"Bakit? Hindi ka rin pinapansin ni Macy?"
"Wag mong ibahin ang usapan." Asik nya sa akin.
Ngumuso na lang ako ulit at umirap sa kanya. "Kilala ko yung babaeng kasama nya."
BINABASA MO ANG
DG Series #1: Captive Heart
General FictionSi Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isan...
